Korina, maraming nahanap na kakampi sa anti-troll project!
Walang atrasan ang anti-troll project ni Korina Sanchez.
Maraming nag-response sa kanyang panawagan na magsama-sama silang mga biktima ng trolls / troll farm at pumuri sa kanyang katapangan.
May mga ka-collab na raw siya para tapusin na ang maliligayang araw ng diumano’y bayarang mga troll. “When I think about good winning over evil, truth winning over lies, healing winning over abuse, victims getting even with the tormentors, undeserved and unseen enemies shamed and struck down — feel like painting myself all over and dancing in a mardi gras.
“Thanks to all those who messaged and called and are now collaborating on our anti-troll project. Super appreciate you see the value of ending their existence. In God’s Mighty Name, Amen.”
Maaalalang una niyang ipinost ang nasabing plano dahil sa pangha-harass ng mga troll na kumikita nga naman lalo na nga at malapit na ang election.
Aniya sa naunang post : “ARE YOU ALSO A VICTIM OF TROLLS? When I googled “memes of trolls” this image came out. Parang akma? (yung nasa IG photo niya na animo’y skull)
“You know: yung pina-project ka para i-harrass— kase, well, bayad sila. Their parents must be very proud of them na ang income nila is to inflict lies and misery on other innocent people. Poor parents who put them through school. And these kids get hired by crooks who are just… EVIL, I guess.
“Trolls are usually hired and orchestrated by people who dont have the guts to just confront you and tell you what they think, to your face. Or malaki ang kontrata para manira. Or baka kasi super inggit lang. Or bored sila and unhappy. Or obssessed with a person or an idea. Pathetic, really. Imbes na ayusin nalang nila ang sarili nilang buhay. Ang ganda pa naman ng buhay sana. I guess hanggang doon nalang sila? I hope not. I still believe in the good in people. But Ive lived long enough to know some people are just… INSANE.
“If you’re a victim of online harrassment by paid trolls email me on [email protected] and I will give you the tips how to put them in their place. There are administrative and legal remedies for this. Ipakulong natin sila. Hiyain muna natin nang todo bago pakulong. Im in touch with the Senate about this currently. Im on your side, being a victim myself. There’s a way.
“You can start by blocking all those who dont follow you and those who have just followed you. Anyway, lets chat in private. I can also advise you about the legal parameters. Let the devils stay in hell, right? Let’s put them back there. #TulunganTayo #DeathToTrolls God’s on our side on this one.”
Palala ang mga troll actually sa kasalukuyan lalo na nga at malapit na ang election kaya marami agad nagbigay ng suporta kay Ms. Koring.
At hindi lang sa national level, maging sa local level ay umaatake sila.
Sana nga magtagumpay si Ate Koring para matapos na ang maliligayang araw ng mga troll na ini-enjoy ang ang pagpapakalat ng maling information at nagpapagamit sa mga pulitikong ang iba ay maraming tinanggalan ng trabaho.
Mga programa ng CCP, mapapanood sa Knowledge Channel
Magtutulungan ang Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) at Cultural Center of the Philippines (CCP) sa pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa mga kabataan sa pagpalabas ng mga programa ng CCP sa Knowledge Channel.
Iaanunsyo ng Knowledge Channel sa darating na mga linggo ang mga programang pang-kultura at sining ng CCP na ipalalabas sa una at ikalawang quarter ng taon.
Mapapanood ang mga ito sa Araling Panlipunan at Filipino blocks ng School at Home programming block ng channel.
Nanguna sina KCFI president and executive director Rina Lopez-Bautista at CCP president Arsenio “Nick” Lizaso sa ginanap na memorandum of agreement signing (MOA) noong Disyembre para rito, kung saan nagpasalamat si Lizaso sa pakikiisa ng KCFI sa mga adhikain ng CCP.
Umaasa rin siyang mas maraming estudyante ang magkakaroon ng interes na alamin ang kulturang Pilipino.
Ikinatuwa naman ni Lopez-Bautista ang pag-renew ng kanilang pakikipag-ugnayan sa CCP.
“Malaking tulong sa pagpapalaki ng ating mga anak at sa susunod pang henerasyon ang pagkakaroon ng kaalaman sa sarili nating kasaysayan, kultura, at wika. Dahil dito, lubos nilang mauunawaan, isasabuhay, at ipagmamalaki ang pagiging Pilipino,” saad ni Rina.
Una nang nagkaisa ang CCP at KCFI para ipalabas ang adaptasyon ng nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere sa Filipino high school block nito noon, at ilang itinanghal na dula sa weekend performing arts show na Theater Hour mahigit sampung taon na ang nakalilipas.
Naroon rin sa nasabing virtual MOA signing ang chairperson ng CCP na si Margarita Moran-Floirendo kasama ang mga board member nitong sina Jaime Laya, Benedict Carandang, Lorna Kapunan, at ang director of operations ng KCFI na si Edric Calma.
- Latest