Dolphyville/museum/ hotel/events place, uumpisahan na!

Eric
STAR/ File

Magpu-full blast na pala ang Dolphy Museum ayon kay Eric Quizon.

During the virtual presscon ng programa nilang Quizon CT ng mga kapatid niyang sina Epi and Vandolph, sinabi rin ni Eric na tuloy na ang residential subdivision ng almost 14-hectare lot na pag-aari ng kanilang yumaong ama, ang Dolphyville.

May contractor/partner na sila at almost sold-out na raw ito.

Bukod sa residential subdivision, uumpisahan na nga nila ang museum / hotel / events place na matagal-tagal ding naudlot dahil sa pandemic.

“Basically ang concept niya meron siyang bed and breakfast tapos ang mga kuwarto nakapangalan sa mga mga anak.

“At the same time doon namin iha-house ang museum ng aming late father. It’s all in the work. Dapat nag-umpisa na ito two years ago kaya lang nga nagka-pandemic sobrang na-delay lang talaga. Definitely this year. Nag-plano na rin kami na dapat March tapos nag-lockdown ulit, nag-plano uli kami ng August nag-lockdown ulit. So sabi namin patapusin na lang natin ang taong ito, tapos sabi ko sa 2022 na lang kasi 2 in Chinese supposed to be, the number 2 is easy. Kung may tatlong 2 ‘yun easy easy easy. So baka mas maganda. But this year, mag-uumpisa na siya,” pahayag ni Eric sa nasabing Zoom conference almost a week ago.

Anyway, bukod dito, abala nga si Eric sa taping ng Quizon CT na in all fairness sa lahat daw ng nag-premiere na bagong shows sa Net25, ang kanilang programa ang nakapag-register ng pinakamataas na audience share.

“CT stands for Comedy Theater. We pitched this concept a while ago to many possible producers, and Net25 was the most interested, so when we got the green light, we buckled down to work right away,” paliwanag ng aktor nang tanungin kung bakit ngayon lang sila nagsama-samang magkakapatid sa isang programa.

Silang dalawa ni Epi ang magkatulong na nagdidirek nito with Vandolph and his wife Jenny na bumibida rin sa nasabing show.

Samantala, thankful din si Eric na hanggang ngayon ay marami pa rin talagang natatawa sa brand of comedy ng kanilang amang comedy king Dolphy.

Kaya mabilis niyang sinasabing na no comparison at all sa kanilang programa ang mga iconic show ni Mang Dolphy.

Pero aniya, dream come true ito para sa kanila at dagdag niya “Every project na ginagawa namin, there’s always a part dedicated to our daddy.”

Show comments