^

PSN Showbiz

Lalaking personalidad, napatunayang walang keber sa pera ng asawa!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi madaling makalimot ang ating mga kababayan. Kahit pa dekada na ang nakararaan ay nakaimprenta pa rin sa kanilang utak ang mga kaganapang pinagpistahan ng publiko.

Bago nagdesisyong magpakasal ang isang showbiz couple na nabibilang sa magkaibang larangan ay napakarami munang nangyaring iskandalo.

Ayaw sa lalaki ng pamilya ng babae. Laban sila sa lalaking karelasyon ng kanilang anak. Napakasimple lang ng dahilan kung bakit.

Kuwento ng aming source, “Sobrang simple lang ng dahilan. Nu’ng magkaharap ang guy at ang family ng girl, itinaas ng boyfriend ng female personality ang mga paa niya sa mesa.

“Ganu’n lang! Nagalit agad ang parents ng girl, nagpa-interview agad sila bilang pagkontra sa lalaki, na ikinasama naman ng loob nang todo ng girl!” pag-alala ng aming source.

Mula nu’n ay naglabasan na ng kung anu-anong kuwento ang mga taong nakapaligid sa kanila. Hindi raw kagandahan ang ugali ng lalaki, ‘yun daw ba ang pakakasalan ng female personality, hindi raw sila nababagay sa isa’t isa.

Patuloy ng aming source, “Pero kinampihan ng girl ang karelasyon niya, nakipagsagutan siya sa parents niya, kaya lumala nang lumala ang issue! Sosyal ang bangayan nila, Inglisan sila nang Inglisan!

“Nagkaayos naman ang dalawang panig pagkatapos nang mahabang panahon. Nanaig ang pagmahalan ng girl at ng kanyang boyfriend na kilalang-kilala rin sa mundong kinabibilangan niya.

“Heto na. Kasalan na ang pinag-uusapan. Kontra pa rin ang parents ng girl sa guy, pero ano nga ba ang magagawa nila, e, mahal na mahal ng female personality ang BF niya?

“Nagkaroon sila ng pre-nuptial agreement. Ayaw gawin ‘yun ng girl dahil nakakahiya nga naman. Meron din namang maipagmamalaki ang guy, hindi naman siya dinampot lang ng girl sa kung saan!

“Pero ‘yun ang ipinipilit ng poder ng girl, kailangang magkaroon sila ng pre-nup, para nakasisiguro ang pamilya ng girl na kapag may nangyaring hindi maganda, hindi makukuha ng guy ang kung anumang meron siya bago sila ikinasal.

“Ang guy pa mismo ang nagpaliwanag sa girl na okey lang ‘yun, walang problema, pipirma siya sa pre-nup kesa naman sa mawala sa buhay niya ang girl!

“Cry nang cry ang girl! Napakasarap nga namang marinig na kesa sa mawala siya, e, gagawin ng guy ang lahat-lahat ng gusto ng partido ng babae!

“’Yun ang kuwento ng pre-nuptial agreement nila. Hindi nasaktan ang guy, inintindi niya ang gusto ng pamilya ng girlfriend niya! Mas napamahal pa ang guy sa female personality!” pabuntong-hiningang pagtatapos ng aming source.

Say…. Ubos!

TIPMMG, babalik na sa susunod na Martes!

Araw-araw ay sumasargo ang bilang ng mga kababayan nating tinatamaan ng virus. Pataas nang pataas ang numero. Bago matapos ang Ene­ro ay meron nang anunsiyo na puwedeng tumaas pa sa limampung libong Pilipino ang mahawahan ng laganap na sakit sa buong mundo.

Ang mga bakunado na ay mas nakahihinga nang maluwag, meron pa rin silang nararamdamang pakatandaan ng COVID-19, pero hindi sila nag-aalalang baka ‘yun na ang kanilang katapusan.

Napakahalaga ng bakuna. Inilalayo tayo nu’n sa kamatayan, ‘yun mismo ang mga sundalong lumalaban sa loob ng ating katawan para talunin ang mikrobyo, pero hindi pa rin ‘yun sapat na dahilan para maging ligtas tayo.

Kailangan pa rin ng dobleng pag-iingat, huwag makikipagkumpulan sa matataong lugar, ugaliin pa rin ang paggamit ng face mask at paghuhugas ng mga kamay bilang health protocols.

Nasa Alert Level 3 ang NCR, ‘yun ang dahilan kung bakit kahapon ay binigo namin nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu ang mga regular naming tagapanood ng Take It, Per Minute… Me Gano’n, lalo na ang mga nalulungkot-naguguluhang kababayan antin mula sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Sabi ng aming tagasubaybay na si Vangie Caperal Aleemi ng Virginina, USA, “Tanging paraan namin para makapaglibang at makalimot sa problema, nawawala pa. Matapos na sana ang virus na ito!”

Ang mga CFMers naman ay nakauunawa, pero nasanay na kasi sila na dalawang programa ang inaabangan nila tuwing Martes, ang Cristy Ferminute at ang TIPMMG.

Pero ayon sa aming producer na si Salve Asis ay babalik na kami sa darating na Martes, sigurado na ‘yun, wala nang atrasan pang magaganap.

Magka-text nga kami ni Sneezy, panganay na anak ni Manay Lolit na dekada nang naninirahan sa Maryland, inaalala nito ang kanyang ina na siguradong buryong na buryong na sa kanilang bahay.

At naiintindihan namin si Sneezy, ang TIPMMG lang ang kanyang barometro tungkol sa sitwasyon ng kanyang ina. Ang mga pamilya namin ni Mr. Fu ay nandito lang sa Pilipinas pero ang mga anak ni Kabsat (si Sloopy ang isa) ay nasa Amerika at maraming taon na silang hindi nagkikita.

Sa pamamagitan ng aming digital show ay nababawasan ang pag-aalala ni Sneezy sa kanyang mommy, halakhak nang halakhak sa show si Manay Lolit, at napakalaking kasiyahan ng ganu’n para sa isang anak.

Sa aming mga binigo, pasensiya na po, kaligtasan sa pagkakasakit ang unang-unang malasakit ng mga nagpapatakbo sa aming programa.

Kitakits po tayo sa Martes, makakasalo n’yo na kami sa inyong pananghalian, pramis! (Pasensiya na po. See yah all po sa Martes. – Salve)

TIPMMG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with