Iba pa rin talaga ‘pag hands on ang pag-aalaga mo sa anak mo, Salve.
Nakita mo ba na sa edad ni Talitha, ‘yung anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna, ang galing nang magdasal at magbasa.
Talaga kasi na si Pauleen mismo ang nagtuturo kay Talitha ng pagbabasa at pagsusulat kaya kung minsan mabibigla ka sa mga alam nito.
Buo niyang nadarasal ang prayers na itinuturo sa kanya. Lahat nang nanonood ng Eat Bulaga tuwang-tuwa sa pagli-lead niya ng opening prayers.
Suwerte ni Talitha at ang daming quarantine period at lockdown kaya ang daming oras na nakasama niya sina Vic at Pauleen.
Saka talagang nakita mo how i-handle ni Pauleen ang pagiging mother, kitang-kita mo ang closeness nilang mag-ina. Kaya naman happy mood lagi sa loob ng bahay nila Vic, kasi nga, happy family sila.
Mga awards night, nakaka-miss
Habang watch ako ng Blue Dragon Film Awards ng Korea na ipinalabas sa KBS channel sa cable, parang nostalgic ‘di ba? Kasi nga hindi na ganun kabongga ang mga awards night, wala na ang screaming, siksikan gaya ng dati.
Mas ok pa nga ang Blue Dragon Awards, mas maraming tao, mas maraming attendees. ‘Yung nakaraang Korean Drama Awards, kakalug-kalog sila sa loob ng auditorium, at totally walang audience o fans sa labas.
Kung puwede lang bumiyahe sa Korea naku fly ako dahil nagbabad sa awards night si Jo In-sung at Song Joong-ki ha, mula start to finish nandun sila, talagang cooperate sila para mabalik ang glitter ng showbiz.
Feel mo talaga na confident na confident sila dahil international na ang audience nila. Hitsurang ang ginaw ha, naka-long gown at tuxedo lahat. Ang ganitong attitude ng stars nila ang reason kung bakit world class sila.
Para tuloy naalala ko ang SPEEd (The Society of Philippine Entertainment Editors), Salve, na ‘pag may affair kayo, talagang aligaga kayong mag-ayos at mag-dress up dahil gusto n’yo bongga kayo. Nakaka-miss ‘di ba.