'Ang hirap ng LDR': Maria Ozawa, Pinoy BF kumpirmadong hiwalay na

Litrato nina Jose Sarasola (kaliwa) at Maria Ozawa (kanan)
Mula sa Instagram account ni Jose Sarasola

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nagwakas ang relasyon ng dating Japanese adult film actress na si Maria Ozawa at Kapuso celebrity chef at host na si Jose Sarasola matapos ang ilang taong pagsasama.

Sa panayam ng Pep.Ph, sinabi ni Jose na napagdesisyunan nila ito noong nakaraang Disyembre dahil na rin sa hirap ng pagkakalayo simula nang magtungo si Maria sa Japan noong kasisimula pa lang ang COVID-19 pandemic.

"To be honest, wala na kami. It’s been difficult eh. It’s been very hard," pag-amin ni Jose nitong Huwebes.

"LDR (long distance relationship) is very hard. We never expect this to be difficult. We tried, ha."

Nagkalayo ang dalawa dahil na rin sa pag-aakalang ilang buwan lang o saglit lang ang pandemya. Ngunit mali ang kanilang inakala.

Limang taon na sana silang magnobyo at nobya sa darating na Pebrero. Paglilinaw niya, wala rin silang pinag-awayan at lalong walang isyu ng third party.

"Up to now, she never came back. Nahihirapan talaga siya kasi sa mga rules ng mga foreigners coming back [to the Philippines from abroad]," dagdag pa ni Jose.

"But we tried, we're still in contact every day, we call each other, update each other... But as time went by, it just took a heavy toll on the both of us, e. Nahirapan kaming dalawa."

Matatandaang ilang taong lumagi sa Pilipinas ang 36-anyos na si Maria, dahilan para matuto na rin siyang magluto ng Filipino cuisine.

Matatandaang naging bahagi pa ang aktres ng horror movie na "Nilalang" (2015) kasama ang aktor at ngayo'y senatorial aspirant na si Robin Padilla. Ipinalabas pa ito noon sa Metro Manila Film Festival.

'Magkaibigan pa rin kami'

Sa kabila ng mapait nilang pagkakawalay, masaya naman niyang ibinalitang malapit pa rin silang magkaibigan magpahanggang sa ngayon.

Gayunpaman, bihira na lang silang makapag-usap nitong nakaraang taon.

"Pero ang kagandahan naman diyan, we’re still friends. And okay naman kami," dagdag pa niya sa panayam.

"We both agreed na it’s the best for us now that we both go our separate ways."

 

 

Kasalukuyang abala si Jose sa cooking show nila ni Iya Villania na "Eat Well, Live Well, Stay Well," habang si Maria ay meron namang negosyong resto-bar sa Tokyo, habang pinatatakbo ang kanyang Youtube channel.

Dati nang inamin ng aktres na humarap siya sa ilang stigma at hirap matapos iwanan ang karera nang paghuhubad at paggawa ng malaswang pelikula. Gayunpaman, patuloy pa rin naman daw niya itong pinangingibabawan.

"[In Japan] there’s a wall between film and adult industry,” paliwanag niya noong 2015. “They still want you on TV, radio, magazine, but behind the stage they treat you [like] crap. They don’t respect you." — James Relativo

Show comments