Albie, gusto si Shanaia pero wala pang Orassa love life

Albie at Shanaia
STAR/ File

Naging malapit na magkaibigan sina Albie Casiño at Shanaia Gomez mula nang magkasama bilang housemates sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Ngayong nasa labas na ng Bahay ni Kuya ang dalawa ay maraming mga tagahanga ang nagtatanong kung higit na sa pagiging magkaibigan ang turingan nila. “We have so much going on right now. Sa akin, wala pa sa isip ko ‘yung anything more than what we have now. I want to focus on everything that I’m doing now. I’ve started hosting, and of course, I’m still acting as well. Iyon muna talaga ang focus ko,” pahayag ni Albie.

Ayon sa aktor ay hindi pa sumasagi sa kanyang isipan na pumasok muli sa isang relasyon. “To be honest, wala pa akong oras para sa love life and stuff like that. But I definitely like her. She’s a nice girl, smart, funny and of course beautiful also,” pagtatapat ng binata.

Sa ngayon ay nag-aartista na rin si Shanaia.

Mapapanood ang baguhang aktres sa Click, Like, Share at gumaganap bilang kapatid ni Belle Mariano sa serye.

Ayon sa dalaga ay ginagabayan siya si Albie ngayon tungkol sa trabaho. “We’re going through this together. I’m obviously very new to showbiz. This is my first time experiencing all of this. He’s great, he’s supportive naman. I guess, in a way, he’s guiding me. He’s a good friend, he’s funny, he’s outgoing. I feel like we’re just getting along. We’re just enjoying our time together,” pagbabahagi ni Shanaia.

Joko, ayaw maging stage father

Nasa pangangalaga nang muli ng Viva Ar­tists Agency si Joko Diaz. Matatandaang huling napanood ang aktor sa tele­seryeng Kadenang Ginto noong 2020.

Kabilang ngayon si Joko sa pelikulang Hugas na mapapanood sa pamamagitan ng Vivamax. “Nasa ABS-CBN ako no’ng huling mga taon. It’s just that nagkausap kami ni Boss Vic (del Rosario) at maganda naman ang napag-usapan. So heto na, nandito na ulit sa mother studio,” bungad ni Joko.

Masayang-masaya ang aktor dahil muling nakagawa ng isang proyekto na aksyon ang tema. “Right now I’m happy just helping the new ones. Siyempre gusto ko nakalinya sa action ‘yan kung gagawa tayo ng panibagong pelikula. Siyempre desisyon pa rin ng boss ‘yon. Tayo naman ay empleyado lamang. Tayo’y susunod kung anong sinasabi ng boss natin,” giit niya.

Samantala, sumabak na rin sa show business ang anak ni Joko na si Ashley Diaz. Bukod sa pagkanta ay sumusunod na rin ang dalaga sa mga yapak ng aktor sa pag-arte. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto rin umanong makatrabaho ni Joko ang anak sa isang proyekto. “Kumportable naman ako to work with her. Sana lang magtama ‘yung schedule namin. Tapos ang mga sinasabi ko lang sa kanya, pinapaalala ko na makisama siya, always be kind, always respect the senior sa ‘yo. Hindi naman ako ‘yung stage father na kailangan pupunta ako sa set. Pero hatid-sundo, gano’n nga lang, hinahatid-sundo ko siya,” kwento ng aktor.

(Reports from JCC)

Show comments