Maggie Wilson dismayado sa kawalan ng free COVID-19 antigen testing sa 'Pinas

Litrato ni 2007 Binibining Pilipinas World winner Maggie Wilson (kaliwa) at isang COVID-19 Lateral Flow (LFT) self-test kit (kanan)
Mula sa Instagram account ni Maggie Wilson; AFP/Ben Stansall

MANILA, Philippines — Hindi napigilan ng kilalang aktres at former beauty queen na si Maggie Wilson ang mainis matapos mapag-alaman kung magkano na ang inaabot ng rapid COVID-19 test kita sa Pilipinas, bagay na sobra-sobra na raw at dapat kontrolin.

Ayon sa 2007 Binibining Pilipinas World winner, napagtanto niya ito matapos mag-inquire kung magkano ang box ng COVID-19 antigen test kits. Nagtanong raw kasi siya para sa pamilya ng isang kaibigan sa Pilipinas.

"The prices of a box of 20-25 kits have now doubled," banggit ni Maggie Wilson sa isang Instagram story, Lunes. Nasa P10,000 raw kasi kada kahon.

"It's disgraceful how people who are selling them are taking advantage of the situation and upping the prices due to demand. Greed! We have no price regulations in place."

Ang ikinababanas pa niya, hindi man lang daw magawa ng gobyerno ng Pilipinas na ibigay ito nang libre sa mga nangangailangan.

Nitong Setyembre 2021, lumabas sa survey ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry na aabot naman sa P700 hanggang P1,000 ang singil kada antigen test sa mga government facilities. Aabot naman ito sa P1,500 hanggang P1,800 kung pribado.

"In the U.K. anyone can walk in to a pharmacy and ask for a box of laterflow test kits for FREE. Each kit even has a QR code where you can scan and register your results on the National Health Service website," dagdag pa ni Maggie.

"Here in the Philippines, at current prices, we have to pay P10,000 a box! Shameful."

 

 

Ngayong Martes lang nang sabihin ni Health Secretary Maria Rosario Vergeire na bagama't may mga aprubadong rapid antigen test kits sa Pilipinas, kailangang isagawa ito at may gabay ng healthcare workers para maiwasan ang "misuse."

Bagama't pinapayagan na ang self-administered antigen tests sa ibang bansa, 'di pa ito aprubado sa Pilipinas. Dalawang suppliers sa ngayon ang nag-apply ng certioficate of product registration para magamit na ito sa Pilipinas, bagay na pinapapaspasan na.

Matagal nang ipinapanawagan ang libreng COVID-19 mass testing sa Pilipinas lalo na sa gitna ng mas nakahahawang Omiron variant. Gayunpaman, hindi kumakasa ang gobyerno sa hamong ito.

Sa huling taya ng DOH, aabot na sa 3.02 milyon ang nahahawaan ng COVID-190 sa Piipinas. Sa bilang na 'yan, patay na ang 52,511 katao.

Show comments