JC, naloko ng handler
Nakaranas nang panloloko si JC Alcantara ng isang talent handler noong nagsisimula pa lamang sa show business. Tubong Bongabon, Nueva Ecija ang aktor at dito raw nangyari ang panloloko ng kanyang unang handler. “Before sinabi sa akin, before pa ‘yon, no’ng first handler ko, na pasisikatin niya ako. Di ba uso ‘yon dati lalo na sa mga probinsya, eh probinsyano ako. Sinasabi niya niya sa akin, ‘Pasisikatin kita, dadalhin kita sa Manila.’ Eh ako namang probinsyano pangarap ko maging artista. Nag-audition ako, sumama ako pero walang nangyari. Ako naman itong tanga, nagbibigay ng pera. Ang hirap, sobrang hirap. Huwag mong ibigay ‘yung tiwala mo sa isang tao lalo na ‘pag hindi mo kilala,” natatawang kwento ni JC.
Pagkalipas ng ilang taon ay unti-unti nang nakilala ang aktor sa industriya. Marami ng proyektong nagawa si JC sa telebisyon at pelikula. “Sobrang happy na ng life ko lalo na ngayon sobrang saya ko. God knows na wala talagang problema sa family, sa career. As in legit kasi sobrang blessed ko this year na sobrang grateful ko na maraming blessings na darating and kailangan ko din paghandaan kung ano man ‘yung mangyayari. At kung maging ready man ako sa panahon na ‘yon, handa na ako,” makahulugang paglalahad ng binata.
Magbibida si JC sa Repair episode ng Click, Like, Share na mapapanood sa iWantTFC simula bukas.
Malaki ang pasasalamat ng aktor kay Allan Paule na siya umanong gumaganap bilang ama niya sa naturang online series. “Sobrang bait kasi ni kuya Allan and iga-guide ka din niya. ‘Yung scene lang namin ‘yung bumalik nga ako sa panahon na nangyari ‘yung sakuna, do’n ko lang siya nakabatuhan ng lines and then mararamdaman mo na talagang tutulungan ka niya. Sobrang collaborative niya. Mabait, sobra,” pagtatapos ng aktor.
Jake, nakasama ang anak noong Pasko
Nakasama ni Jake Ejercito ang anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie noong Kapaskuhan. Kasalukuyang nasa Maynila ang pamilya ng aktres dahil nasalanta rin ng bagyong Odette ang kanilang bahay sa Siargao kamakailan. “We had an intimate Christmas and New Year with the family. And I guess ‘yung pagkakaiba, I made sure to donate and tumulong sa donation drives sa mga naapektuhan ng typhoon Odette,” bungad ni Jake.
Sa susunod na linggo ay magtatapos na ang Marry Me, Marry You na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Ito rin ang maituturing ni Jake na kanyang acting debut at masayang-masaya ang aktor dahil maganda ang kinalabasan nito. “Okay naman, hindi naman naging mahirap kasi supportive naman lahat. It was very easy and I’m very thankful for the support the we had on the set. Five years from now, I’ll be proud of it. Still grateful na ito ‘yung unang teleserye ko. I think obvious naman sa screen na we were really a tight knit group. We gelled well and ‘yung samahan talaga iba ‘yung energy, iba ‘yung camaraderie. And we always had fun on and off the set,” pagbabahagi ng aktor. Reports from JCC
- Latest