^

PSN Showbiz

'It's real and serious': Arnold Clavio nagpositibo sa COVID-19

James Relativo - Philstar.com
'It's real and serious': Arnold Clavio nagpositibo sa COVID-19
Makikita sa larawan ang pinagdaraanan ng kilalang broadcaster na si Arnold Clavio matapos magpositibo sa COVID-19
Mula sa Instagram account ni Arnold Clavio

MANILA, Philippines — Tinamaan na rin ng kinatatakutang COVID-19 ang batikang Kapuso broadcaster at anchor na si Arnold Clavio, bagay na nakuha pa rin niya kahit na nag-iingat laban sa nakamamatay na sakit.

Ito ang kanyang ibinahagi sa publiko sa isang Instagram post nitong Linggo, kung saan inilinaw niyang mag-a-isolate siya ng 14 araw matapos makasalamuha ng isang nahawaan ng sakit.

"After almost two years, this is my first time to be infected by COVID19 virus… It’s real and serious," wika niya kahapon matapos sumailalim sa repeat antigen testing.

"Although may mild symptoms ako, like cough due to hyperacidity, last Thursday may close contact ako sa isang nag-positive."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

Kasalukuyang inuubo ang naturang mamamahayag, pero sabi niya'y maaaring dulot ito ng hyperacidity.

Nagnegatibo si "Igan" sa una niyang antigen test ngunit nagpositibo sa ikalawa. Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na posible ang false negative sa antigen testing ngunit kung nagpositibo ka rito, malamang sa malamang ay positibo ka talaga.

"[T]he only way to fight this virus is a positive thought… Sa kabila ng pag-iingat ko, wearing of mask, hand washing, social distancing, vitamins, immune booster, lots of vitamin D, tinamaan pa rin ako and I don’t know how," dagdag pa niya.

"So be careful everyone... 14 days of isolation… God is good! Amen."

Nagpapasalamat naman siya sa lahat ng nag-abot ng kanilang panalangin sa kanya, habang nangangakong magpapalakas laban sa sakit.

"We will heal as one. Prayers also sa mga nakakaranas ng pagsubok katulad sa akin. Trust in the Lord and we’ll be triumphant," dagdag pa niya sa hiwalay na paskil.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

Suporta ng mga kaindustriya

Sari-saring journalists naman at celebrities ang kasalukuyang ipinagdarasal ang paggaling ng "Saksi" anchor sa kanyang social media account.

Ilan sa kanila ay ang Kapuso reporter na si Tina Panganiban-Perez at noo'y ABS-CBN anchor na si Julius Babao, na nagmula sa karibal na Kapamilya network.

 

 

"Pagaling kayo Sir pahinga lang," sabi naman ng kilalang rapper na si Gloc-9 sa post ni Igan.

Sabi naman ng aktres na si Candy Pangilinan: "Paggaling ka igan. Been sick for 7 days. Sabi nila mabilis lang ang omicrom pero sa akin, ang tagal."

Aabot na sa 2.96 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes. Sa bilang na 'yan, patay na ang 52,150 katao.

ARNOLD CLAVIO

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with