Angelica, may pasaring daw sa mga ex

Angelica
STAR/ File

Sosyal ang The Kangks Show ni Angelica Panganiban na napapanood every Friday at 8:00 p.m. sa WeTV.

Since the series premiered in mid-December, mabilis pala itong naging favorite ng viewers here and abroad.

Kasama raw ito sa Top 10 shows sa pinakapinapanood sa WeTV Indonesia, the United States, Canada and the UAE.

Nasa Top 11 din daw ito sa most watched shows on WeTV in Australia.

Wow. Kaya naman more wild and crazy stories pa raw ang mapapanood sa mga susunod na episodes nito.

Swak kay Angelica ang nasabing show dahil sa pagiging open ng kanyang lovelife. Maaalalang nag-trending ang kuwento niya sa podcast tungkol sa ka-Tinder (dating app) niya sa abroad. “May isa akong Tinder experience ko ganyan. Di siyempre nasa ibang bansa ako ‘di ba? Tapos naghubad tapos ang laki nung t*t* talaga! Ang laki ng t*t*!” aniya. Oh my my, this is so big!’”

Ayon sa ilang nakabasa ng story, parang pinariringgan lang daw niya dun sina Derek Ramsay, John Lloyd Cruz and Carlo Aquino.

‘Yung perfect combination daw kasi ng penis, ayon kay Angelica, ay ‘yung sa Pinoy na may foreign blood.

So alam na perfect si Angelica sa nasabing programa na gumaganap bilang feisty sex guru na si Dr. Kara Teo na nagho-host ng isang long-running midnight sex advice program.

Habang nagbabanta ang network na kanselahin ang kanyang palabas, si Doc Kara, sa tulong ng kanyang matalik na kaibigan at producer na si Nikki (Angeli Bayani), ay ginagawa ang lahat upang ihatid ang mga over-the-top na mga kuwento about sex. Hindi rin niya sinasadyang nasa gitna pala siya ng personal na drama na ginampanan nina JC de Vera at Kit Thompson.

Sa totoong buhay ay karelasyon ni Angelica ang negosyanteng si Gregg Homan.

Reopening ng Star City, naunsyami sa Omicron

Hindi tuloy ang reopening ng Star City sa Jan. 14.

Handa na sana ang lahat pero bumulusok ang mga nagkakaroon ng COVID.

“In an urgent move addressing public health concerns over the dramatic rise in Covid-19 cases, Star City management has decided to postpone the soft re-opening of the popular amusement park, sche­duled January 14 and already announced to the public. While the current Alert level still allows the operations of amusement parks, officials felt it more prudent to postpone the opening.

“It is really unfortunate that the park has had to reverse course so soon after its reopening was announced, and Star City management sincerely apologizes to those who were very excited to see it rise back from the ashes. But public safety has always been its utmost concern, and more so now that the variants of the virus continue to put more and more people at risk.

“The public will be kept abreast of the new opening date once there is a clear indication of the pandemic’s abatement,” ayon sa post ng kanilang PR group.

Show comments