^

PSN Showbiz

Aktor-pulitiko, tuloy ang pagsusugal!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming hindi nagkakagusto sa tabas ng dila ng isang actor-politician. Kapag nagkukuwento kasi siya ay wala siyang pakialam sa mga taong nasasagasaan niya.

May kayabangan ang pulitiko, nagpapanggap siya na alam na niya ang lahat, samantalang kailangan pa niyang bumalik sa grade one kung batas ang pag-uusapan.

Paghusga ng nakararami ay kulang din siya sa pagtanaw ng utang na loob. Ang mga taong may malaking naitulong sa kanya nu’ng una siyang sumawsaw sa mundo ng pulitika ay parang hindi na niya kilala.

Kuwento ng aming source, “Maaga siyang nagkaroon ng amnesia. Kabata pa niya para maging makakalimutin. Mara­ming tumaya sa kanya nu’n na hindi man lang niya makumusta ngayon.

“Feeling niya kasi, e, siya lang ang gumawa ng kapalaran niya sa politics, siya lang ang nagpanalo sa sarili niya, walang kahit sinong nakatulong sa kanya,” unang rebelasyon ng aming impormante.

Kailan lang ay lumantad ang kuwento na nagsugal siya sa isang pribadong casino. Meron siyang paboritong puntahang pasugalan na malakihan din ang labanan.

Patuloy ng aming source, “Nakakasingit pa rin siya! Busy na siya sa pag-iikot sa iba-ibang malalayong probinsiya, pero nakakakita pa rin siya ng chance para sa bisyo niya!

“May mga nag-aalala tuloy na baka raw ang mga donasyong tinatanggap niya, e, sinusunog lang niya sa sugal! Aba, milyones ang ipinatatalo niya, ha!

“Naku, baka naman kaya kung saan-saan napupunta ang dila niya sa pagsasalita, e, dahil sa kawalan niya ng tulog at pahinga? Sayang na sayang ang kadatungang sinusunog lang niya sa bisyo!” reaksiyon pa ng aming source.

Maraming nagsasabi na mawawalan ng saysay ang pagpapagod ng actor-politician na ito. Hindi siya makalulusot sa laban. Wala siyang ibang kasasadlakan kundi ang kangkungan.

Dagdag na kuwento pa ng aming source, “Asahan n’yo nang mas kakawala ang dila ng pulitikong ‘yun kapag ramdam na niyang wala siyang chance na manalo! Sigurado ‘yun! Maninira na lang siya nang maninira ng mga kalaban niya!

“Pero ano nga ang sabi ng ibang nakapaligid sa kanya? Matalo man daw siya, e, panalo pa rin, dahil sa mga donasyong tinatanggap niya! Ganu’n?

“Patay kang bata ka! E, di may puhunan pa rin siya sa bisyo niya? Huwag kasing mayabang! Huwag upak nang upak sa mga kalaban niya!” madiin pang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Piolo, ayaw tantanan ng mga Marites

Si Piolo Pascual naman ang napagtripan ngayon ng mga Marites. Ang una nilang tanong—bakit daw sa edad na kuwarenta’y singko ni Piolo ay binata pa rin siya hanggang ngayon?

Sa normal na takbo ng buhay ng mga kalalakihan, ang edad na treinta ay parang huli na nga, ang kuwarenta’y singko pa kaya?

Napakaguwapo ni Piolo, sangdamakmak na kababaihan ang nahuhumaling sa kanya, pero bakit wala pa rin siyang ihinaharap sa altar hanggang ngayon?

Ayon kay Piolo ay walong taon na silang magkarelasyon ni Shaina Magdayao, kung totoo nga ‘yun ayon sa mga Marites, bakit hanggang ngayo’y hindi pa rin niya pinakakasalan ang magandang aktres?

Saka bakit si Piolo lang ang nagsasabing magkarelasyon sila, bakit kapag natatanong si Shaina ay hindi naman nito kinukumpirma, ngiti lang ang isinasagot ng dalaga?

Kinokontra ng marami ang kanyang litanyang “What you see is what you get,” kung ano raw ang nakikita sa kanila ay ‘yun na ‘yun, ano ba ang nakikita sa kanila?

Ang paghahawak-kamay nila? Ang pagyakap ng guwapong aktor kay Shaina mula sa likuran? Ayaw pa ring maniwala ng mga Marites! May gusto silang sabihin pero ayaw nilang unahan si Piolo.

Para matapos ang argumento ay sakyan na lang natin ang mga sinasabi ni Piolo. Siguro nga ay kabilang siya sa mga kalalakihan na may edad na kung mag-asawa.

May iba pa siguro siyang mas prayoridad kesa sa magbuo na siya ng pamilya sa edad niyang kuwarenta’y singko. Meron namang mga lalaking ganu’n.

Ihinahanda muna nila ang kinabukasan ng kanilang magiging pamilya bago sila mag-asawa. Kailangan muna nilang magsiguro, ‘yung mapapanindigan nila ang pagpapamilya, ganu’n din siguro ang pinaghahandaan ni Piolo.

‘Yun na lang ang paniwalaan natin para matapos na ang isyu. Huwag nating madaliin si Papa P, darating din tayo du’n, ang tanong na lang ay kung kailan?

Ano sa palagay mo, SOS naming mahal, your very honest opinion, please!

PIOLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with