Pia, sofia, Alyssa, pamilya ni Karen, naramdaman ang bagsik ng Omicron! Pia, binira ang mga sumusuway sa mga protocol

Pia.

Iba ang bagsik ng omicron variant.

Ang bilis ng hawahan kahit anong ingat.

Nahawa na rin sina Pia Wurtzbach, Sofia Andres, Alyssa Valdez at ang buong family ni Karen Davila.

Si Pia, sa United Kingdom nagkaroon ng infection habang kasama ang pamilya samantalang last year kung saan-saan siyang bansa bumiyahe kasama ang boyfriend na si Jeremy Jauncey pero hindi siya nagka-COVID.

Ang haba ng kuwento ng former Miss U. Aniya, kumpleto siya ng mga bakuna pero nahawa pa rin at ang kapatid niyang si Sarah. “I caught COVID here in the UK even though I’ve been fully vaccinated & received my booster shot already. Kumpleto din ako ng flu & pneumonia vaccines. I eat healthy & I’m active, but I still got it. I got all the symptoms too. Fever, sore throat, body pain, runny rose, cough, & I also lost my sense of smell & taste. It’s not like a regular cold or flu that goes away after a few days. I’ve never been sick for this long, which lasted more than a week,” umpisa niya.

Pero negative na siya ayon pa sa kanyang post. “I’m one day away into completing isolation with my sister, @sarahwurtzbach who also caught it. We both tested negative already, thank God.

“The worst is through. I am recove­ring well. I am beyond grateful my pa­rents are safe. Di sila nahawa sakin.”

Paalala niya pa, na dapat seryoso­hin ang COVID at sumunod sa pinatutupad na health protocols. “Guys, COVID is so real. My timeline shows that many have/had it too, both in the Philippines & abroad. And the numbers are going up exponentially. Please take this seriously cos anyone can get it no matter how healthy you are. Being fully vaccinated doesn’t stop you from getting the virus but it helps you overcome it. Please follow health & safety protocols. I think it’s the moment you put your guard down, doon ka mahahawa. You think you’re safe & usually yung makakahalubilo mo walang symptoms. Akala mo all is well. Pero, nahawa ka na pala at may possibility na maipasa mo sa iba nang di mo alam.”

Nanawagan din siya na makonsensiya ang mga sumusuway sa protocols. “It seems easy for anyone to just break protocols & still go out even when they know they tested positive. Feeling nila, di sila mahuhuli or wala namang nagbabantay. I’ve personally seen other people do this. Meron pa diyan, may symptoms na & have the means to get tested pero ayaw nilang maconfirm na may COVID sila, tas lalabas parin. Naku, konsensiya niyo nalang yan. Konting personal accountability, please.

“Ang dami nang nagkasakit. I don‘t wanna sound preachy but let’s not be selfish & go breaking protocols, hoarding supplies, refusing to get tested & vaccinated.”

Negative na rin si Sofia Andres after 10 days.

Mag-isa pala siyang nag-New Year matapos ngang magka-COVID. Galing ng bakasyon sa Spain si Sofia at pamilya nito. “After 10 days … finally I’m negative. Please wear your mask, be kind, drink your vitamins, eat healthy & love yourself. What a way to start 2022. I know it’s not easy spending New Year’s alone but we have more days & years ahead of us. Be strong. #fuckomicron”

Buong pamilya naman ni Karen ang na-virus base sa kanyang post at kuwento sa programa niyang Headstart kahapon. Paalala niyang epektibo ang bakuna.

“Five days ago, our family tested POSITIVE for COVID19. Our 14 yr old son Lucas first tested positive on antigen and we immediately took an RT PCR test as a family.

“Praise God our symptoms are MILD and I believe that is because we have all been vaccinated & 2 have us have had booster shots.

“Lucas completed his vaccinations last October. David & I had booster shots last Dec 18. My husband DJ is fully vaccinated & has yet to take his booster shots.

“Our kids had fever, a scratchy throat, coughing. I experienced fatigue & a lump in my throat. Thank God we are all reco­vering very well! Thank you @lifecoreph for your effective protocol.

“GUYS. The vaccines work! We are li­ving proof. Get your shots. Get your boosters NOW. Do this out of love for yourself & your family this 2022.”

Nagpasalamat naman ang volleyball star and PBB Top 2 na si Alyssa Valdes sa kanyang well-wishers matapos ang annoucement ng kanyang management team na nakakaranas siya ng “some mild symptoms and a confirmatory RT-PCR test, Alyssa tested positive for COVID-19.”

Maalalang lumabas ng PBB house si Alyssa kasama si Anji Salvacion bilang Top 2 last Sunday.

Anyway, hindi mo naman sasabihing ‘di sila nag-iingat. Pero talagang iba raw ang omicron.

Kahapon ay 21,819 ang new positive cases.

Samantala, bawal na rin muna ang mass gathering sa Quezon City.

Mabilis kumilos si Quezon City Mayor Joy Belmonte para maiwasan ang pagdami pa ng hawahan ng covid. “Dahil inaasahan na natin ang mga pagtitipon sa mga piyesta, Chinese New Year at iba pang pagdiriwang sa mga susunod na buwan, mina­buti na nating kumilos agad upang maiwasan na ang mass gatherings na posibleng pag-ugatan ng pagkalat ng COVID-19,” ayon kay Mayor Joy.

Sa inilabas na Memorandum No. 02-22, nagbabawal ito sa mga aktibidad tulad ng prusisyon / parada, Santacruzan at iba pa sa mga barangay fiesta, mga relihiyosong pagdiriwang at Chinese New Year celebration o iba pang pagdiriwang.

“Public games and contests, such as pageants, singing or band contests, bingo, pabitin, paluan ng palayok, agawan, or tug of war are also prohibited.” 

 Consistent ang pagiging mabilis kumilos ni Mayor Joy.

Show comments