Kaloka si Poblacion Girl. Ang dami niyang dinamay sa kagagahan niya.
Kawawa rin ang mga nawalan ng trabaho sa Berjaya Hotel dahil ipinasara ito, iyon mga nahawahan niya dahil positive siya sa covid, naperwisyo rin samantalang gate crasher pala siya.
Malaking responsibilidad para sa bawat isa ang dapat mangyari pag alam mo na positive ka.
Sana naman binuo na lang niya ang quarantine period niya at nagtiis ng ilang araw lang naman.
Malaking kasalanan na maging cause ka ng pagdami ng cases ng covid.
Iyon idamay mo pa ang marami, maawa ka naman. Naisip mo lang na sa panahon ngayon mawalan ng trabaho, ang laking problema, tapos idagdag mo pa na magkasakit ka.
Sana wala nang maging kasunod si Poblacion Girl. Konting tiis lang at sakripisyo para maayos natin lahat itong mga nangyayari sa atin.
Pag ayos na kalagayan mo, hindi lang sa poblasyon ka makararating, sa lahat puwede ka na.
‘Regalong painting, masarap tanggapin’
Ang sarap talaga tumanggap ng regalo sa isang painter, Salve. Imagine na binigyan tayo ni Nik Masangkay ng tig-isang painting as gift na ‘di ba very personal.
Ang ganda ng mother and child na binigay niya sa iyo, iyon sa amin ni Mr. Fu, Cristy na landscape, ang ganda.
Ang sarap kasi nga talagang personal niyang ginawa para sa atin. Iyon naman regalo sa atin ni Louie Tolentino nasa framing pa kaya hindi natin nabanggit pero ang ganda din ng mga painting na iyon.
Salamat sa kanila dahil binigyan tayo ng souvenir of their works.
Thank you Nik Masangkay at Louie Tolentino.
Greatly appreciated.