Jo Berry, itinuloy ang trabaho kahit nagluluksa sa lolo, ama at kapatid na namatay sa COVID!
Nakakabilib din ang katatagan ng Kapuso actress na si Jo Berry na pagkatapos mawalan ng lolo, ama at kapatid dahil sa COVID-19, itinuloy pa rin niya ang show na Little Princess dahil iniisip din ang mga kasamahan niya rito pag nawalan ng trabaho.
Hindi kasi pinilit ng taga-Little Princess kung hindi pa kaya ni Jo dahil nagluluksa pa nga. Pahayag ng Program Manager nitong si Dennis Bentulan, “Kinunsider kasi namin yung burden ni Jo. Kung hindi kaya ni Jo, hindi namin itutuloy kasi safety first for her and for everyone.
“Itong nagpakita si Jo ng concern sa team, nagbigay siya ng inspiration na gusto niyang ituloy, nabuhayan kami ulit at nilaban po namin ‘yung show.
“Naintindihan naman po ng cast ng production ang nangyari sa pandemic.”
Pahayag naman ni Jo; “Nabuo na po kasi ‘yung Little Princess nung bago ang family members ko, and isa po yun sa tinandaan ko and at the same time nung nag-usap po kami nina Sir Dennis and nila direk LA, Ms. Aileen, nalaman ko na all set na. So, isa po ‘yun sa naging drive ko na alam ko na lahat sila naghihintay. And at the same time thankful po ako kasi sinabi nila umpisang-umpisa pa lang, hindi ko kailangang ma-pressure na maiintindihan nilang lahat kung mag-decide ako na hindi ko ito gawin.
“So, iyun po ang naging drive ko kasi lahat po sila nakasuporta eh. And iyun din po ang binilin sa akin ng Papa ko. Gusto ko pong i-honor na ito ang last na inayos ng brother ko.
“Iniwan naman niya ako sa mga mabubuting tao, inalagaan din nila ako.”
Sa Lunes, January 10, na magsisimula ang Little Princess pagkatapos ng Las Hermanas.
Maling cheers ni Enrique, ginawang big deal
Kahit sangkatutak pa rin ang bashers, natatalo pa rin naman sila ng mga netizen na mas positibo ang mga komento.
Kagaya nitong post ni Enrique Gil na nagbigay ng sweet message sa birthday ng girlfriend na si Liza Soberano.
Kaagad na pinansin ng ilang ‘marites’ ang maling pagkasulat ni Enrique ng ‘cheers’. Ang nakalagay kasi ay ‘cheer’s’. Bakit daw nagkaroon ng apostrophe ‘s’ sa cheers.
Ang gagaling ng iba na pinulaan agad ang maling spelling sa message na iyun ni Enrique.
Pinagdudahan pa ng iba na baka raw hindi naman si Enrique ang nagsulat nun. Baka raw ang admin lang niya.
Pero nang tsinek ko uli ang IG post na iyun, natabunan na ng mga masasayang mensahe at pagbati sa kaarawan ni Liza na ipinagdiwang niya sa Amerika kamakailan lang.
Sabi nga ng manager nilang si Ogie Diaz, ano naman kung nagkakamali minsan sa spelling. Hindi ba nila napansin na mali-mali na rin mag-text ang karamihang Gen Z ngayon?
Ang hilig daw nilang mag-text ng short message na ina-abbreviate na lang ang ibang word na lumalabas kaya mali mali na ang spelling.
Si Enrique kasi ang nagsulat kaya naging isyu para sa kanila. Pero kung hindi naman kilala ang nag-post ng ganun, keber na nila.
Kevin at asawa, hiwalay na agad
Nakaka-good vibes din ang tsikahan namin ng bagong kasal na si Kevin Santos.
Nairaos nga nila ang isang simple at tahimik lang na kasal nung nakaraang Miyerkules, January 5 sa The Nest Dining in the Sky sa Vivere Hotel sa Alabang, Muntinlupa.
Ikinasal si Kevin kay Raphee delos Reyes, isang nurse na nagtatrabaho sa Sydney, Australia.
Kuwento sa akin ni Kevin nang nakatsikahan ko sa telepono, gusto naman daw talaga nila ng simpleng kasalan lang at very intimate ito na pamilya at close friends lang talaga ang makakasama nila. Pero dahil sa pagtaas ng COVID cases, biglang nabago raw ang rules na dapat sundin sa safety protocols na ipinapatupad, nagbawas pa sila ng mga invited guest.
Kaya pamilya lang daw at sa showbiz friends niya, mga kasamahan lang daw niya sa Daddy’s Gurl ang inimbitahan.
Dumating ang mag-asawang Oyoboy Sotto at Kristine Hermosa, at ang kasama rin nilang si Chichirita. Inimbitahan daw nya si Maine Mendoza, pero hindi nakarating dahil meron palang naka-schedule na trabaho na hindi na puwedeng iurong. Nag-sorry naman daw ito sa kanya.
Gusto nga raw ng Papa niya na i-invite si Vic Sotto, pero alam daw niyang nag-iingat din si Bossing Vic at hindi ito gaanong naglalabas, kaya hindi na niya inimbita. “Nalulungkot ako na hindi ko rin na-invite ang iba kong kasama sa Starstruck. Pero sobrang limitado lang din kasi ang venue, at madaming protocols bigla,” sabi pa ni Kevin.
Nasa honeymoon muna ngayon ang bagong kasal, pero pagkatapos nito ay kailangang bumalik na raw ang asawa niya sa Australia para mag-back to work.
Kaya balik-long distance relationship o LDR na naman daw sila. “Hindi naman niya kasi puwedeng iwan ang job niya doon, at ako din naman, nagsu-showbiz pa rin and at the same time, nagti-training pa rin ako sa Aviation, sa commercial na siyempre.
“So, nag-decide kami na mag-LDR na lang muna pansamantala. Then, pag okay na ‘yung situation, siguro puwede ako dun at mag-stay dun for good o puwede siyang umuwi rito for good. Depende sa situation,” saad ng Kapuso actor.
- Latest