Lian at Pamilya, hirap pa ring gumalaw sa Cebu

John, Lian at mga anak.

MANILA, Philippines — Hirap pa rin ang logistics sa Cebu kaya naman hindi pa rin makagalaw ng normal ang pamilya ng ex EB Babe na si Lian Paz na common knowledge na ex wife ni Paolo Contis.

Pero hindi nakakalimutan ni Lian ang naging epekto ng bagyong Odette kung saan nasa Maynila sila ng partner niyang si John Cabahug para tanggapin ang Elite Business Award ni John.

Umalis sila ng December 15 ng Cebu at December 16 ang event dito sa Manila.

Pero habang nasa event sila at sinusubukang tawagan ang mga naiwang anak sa Cebu nahirapan na silang ma-contact ang mga ito.

Wala naman daw silang nagawa.

Nasa iisang compound naman ayon kay Lian ang parents ni John kaya kahit paano ay nakakalma rin sila.

Sa kabila nang mga naranasan ng kanilang mga anak (kasama ang dalawang anak nila ni Paolo), nagpapasalamat pa rin si Lian na safe and sound ang mga ito pagbalik nila ng Cebu.

Ayon naman kay John na kabilang nga sa 16 awardees sa 8th Elite Business Awards held last Dec. 16, 2021 “It is a wonderful experience if you are going to think of it in a positive way, This has been a new expe­rience that you can bring with you forever because our expe­riences in life are ours to keep and anytime in the future, we can talk about it and maybe even laugh about it and looking back, we can value that moment as it can humble you down and focus on things that really matter. It can also motivate you for there is so much to rebuild and families to help. Personally, it gave me the opportunity to educate my children – to celebrate Christmas without material things,” banggit ng da­ting basketball player na isang negosyante na sa Cebu.

Ayon pa kay John, wala mang gadget ang mga bata dahil nga hirap pa rin sa power supply, ang importante ay may pagkaing pinagsaluhan.

“As we looked around, we saw each other and that’s all that matters. At the end of the day, we value the people around us.”

Samantala, hindi pa tapos ang annulment case nina Lian at Paolo kaya hindi pa rin sila naikakasal ni John.

Balut vendor na naging imbentor, bibida sa MPK!

Bibida na naman ang galing ng Pinoy sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Kuwento ito ni Roland Barrientos, isang maabilidad na ama na pinasok na ang lahat ng maaaring trabaho--mula pagtitinda ng balut, pangongolekta ng basura at maging ang panganga­lakal--para buhayin ang kanyang pamilya.

Sa kasamaang palad, kulang pa rin ito para sa asawa niyang si Karen. Pupunta ito sa ibang bansa para magtrabaho kaya maiiwan kay Roland ang kanilang mga anak.

Mangangako si Roland na bubuuin ang pamilya pero hindi niya ito magagawa.

Makikilala niya si Jennifer, isang dalagang higit na mas bata sa kanya. Kay Jennifer mahahanap ni Roland ang suporta at kalinga na hindi niya makuha mula sa asawang si Karen.

Magiging sanhi naman ito ng lamat sa relasyon ni Roland at ng kanyang panganay na si Rochelle.

Bibigyang-buhay ni Gabby Eigenmann ang kuwento ni Roland habang si Rochelle Pangilinan ang gaganap bilang asawa ni Roland na si Karen.  At si Ashley Ortega naman ang panganay na anak nina Roland at Karen na si Rochelle.

Huwag palampasin ang fresh at brand new episode na Balut Vendor Turned Inventor: The Roland Barrientos Story, ngayong Sabado, January 8, 8:15 pm sa ‘#MPK.’

Show comments