John Lloyd, naghahanap din ng paracetamol!

John Lloyd
STAR/ File

Napaka-precious ng paracetamol ngayon.

Kaya pati si John Lloyd Cruz hinahanapan nito. Kaso sagot ng actor, may fever din siya at naghahanap din sa mga drug store ng Biogesic.

Tumatak kasi ang “ingat” ni John Lloyd para sa nasabing brand ng paracetamol ng Unilab.

Pero of course, memes lang ‘yun dahil nga pila-pila ang mga bumibili ng para­cetamol dahil ang daming may lagnat, sipon, ubo, kahit hindi lumalabas ng bahay.

Seriously, scary ang Omicron. Ang daming nahahawa.

Pati mga local official, nadadali ng virus lately. Kahit may booster pa at hindi kumakain sa labas at naka-double mask pa. Actually, hindi mo na nga alam kung paano at saan puwedeng mahawa.

Kabilang sa mga nag-positive sina former senator JV Ejercito, Navotas Mayor Toby Tiangco, Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, Valenzuela Mayor Rex Gatchalian and QC Councilor Mayen Juico.

Ayon sa reports, may booster sila.

Kahapon naman ay si Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat ang nag-isolate matapos ma-expose sa isang COVID positive.

Samantalang 17,220 ang new cases kaya marami na naman ang windang.

Show comments