^

PSN Showbiz

Agot, pinatulan ang ‘mukhang matanda’ statement

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Agot, pinatulan ang ‘mukhang matanda’ statement
Agot

Nag-react si Agot Isidro sa isang social media post na nagsasabing mukhang matanda na siya.

Hindi naman namin malaman kung bakit pa niya pinatulan. Si Agot ay 55 years old na ngayon, limang taon na lang senior citizen na rin. Bakit naman ninyo hahanaping magmukha pa siyang teenager.

Kung iisipin maalaga na rin sa sarili si Agot, maraming mga ganyang edad na mas mukhang matanda na, puti na ang buhok, marami nang pileges ang mukha. Si Agot nga kung tutuusin ok pa naman.

Huwag ninyong hanapin iyong hitsura niya noong panahong leading lady pa siya ni Aga Muhlach sa Oki Doki Doc. Baka nga iyong mga hayop na ginamit nila sa show na ‘yun dead na sa tagal ng panahon.

Maiiwasan ba naman na tumanda ang isang tao? Sa kaso ni Agot, presentable pa rin naman ang hitsura niya at hindi naman nagbabago ang boses niya bilang isang singer.

Mga nang-iintrigang preggy si Liza, supalpal sa manager

Ayan na naman ang mga mahihilig na gumawa ng tsismis, buntis na naman daw si Liza Soberano kaya nagtatago muna sa US na mabilis namang nilinaw ng manager niyang si Ogie Diaz na hindi buntis ang kanyang alaga.

Hindi ba maliwanag naman na kaya nasa US si Liza ay dahil naging masama nga ang lagay ng kanyang lola na nagpalaki sa kanya.

Nagpaalam siya sa management ng ABS-CBN, na kung maaari huwag muna siyang big­yan ng assignment dahil hindi niya magagawang iwan ang lola niya na siya ring nag-alaga at nagpalaki sa kanya.

Si Enrique Gil naman, dahil hindi pa rin siya kaila­ngan dito at naghihintay din sa pagbabalik ni Liza bago masimulan ang trabaho niya, kaya minabuting samahan na lang ang kanyang girlfriend sa US. Dahil diyan may gumawa na naman ng tsismis.

Hindi na bago iyan. Inisyuhan na siyang preggy noon, pero fake news kaya ang bading na nag-imbento ng kuwento, natakot.

Pero at least ngayon, mabilis ang kanyang manager sa paglilinaw na hindi buntis si Liza.

Direktor, nababaliw sa BL star

Sinasabi ko na nga ba itong si direk eh. Hindi siya nalalayo sa dahon ng gabi. Nakipag-affair siya sa isang mas batang male star na lumalabas sa BL series.

Kung sabagay, ang male star naman ay laman din ng tsismis na “napakahusay daw talaga at kababaliwan nga ni direk.”

Kaso nalaman iyon ng original na ka-affair ni direk na siyempre nainsulto naman kaya pala naghiwalay na lang silang dalawa. Marami ang nanghihinayang sa original na affair ni direk dahil tumagal iyon ng halos dalawang dekada na rin. Alam naman ninyo ang mga bading, bihira ang tumatagal nang ganyan ang relasyon.

Aywan naman si direk kung bakit tila nabaliw sa male BL star, na ang tsismis ay sumasayaw din naman ng ballet sa platito.

Pero siguro nga dahil bata, pogi, at mas tumatagal kaya naman nagustuhan niya. Umiral na rin siguro ang sawa factor kaya ganun.

AGOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with