Malaking hamon para kay Andrea Brillantes ang pagkakaroon ng pandemya pagdating sa trabaho.
Kadalasan kasi ay sa bahay na lamang ginagawa ng aktres ang lahat ng kanyang kailangan sa mga proyekto. “Sobrang hirap din po kasi everything is virtual na. Lahat din ng mga kailangang gawin kami lang talaga ang gagawa.
“So ako, mas mahirap po kasi ako na ‘yung make-up artist, ako na rin ‘yung stylist, ako na rin ‘yung light director, ako na rin ‘yung camera man. Sobrang nahirapan po ako dati sa bahay ko kasi ang liit-liit lang niya,” pagbabahagi ni Andrea.
Maging ang mental health ng dalaga ay naapektuhan na rin dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic. “Very mentally challenging talaga ‘tong pandemic lalo na kasi ako naman po before, talagang dati pa akong may anxiety. Naalis ko na ‘yung insomnia ko pero bumalik po siya. Tapos parang lahat naayos ko, bumalik. Nag-relapse ako because of the pandemic. Pero ngayon, mas kaya ko na siyang i-handle at familiar na ako sa feeling. Tumawag na agad ako ng therapist. Kasi ayaw ko na ulit pagdaanan. Mas aware na ako ngayon. So hindi naman talaga ako nakain ng kadiliman,” makahulugang paglalahad ng aktres.
Maraming proyekto ni Andrea ang nakansela dahil sa pagkakaroon ng pandemya. Gayunpaman ay nananatiling positibo ang pananaw sa buhay ng aktres. “Isipin na lang po natin na lahat ng nangyayari sa atin ay may rason. ‘Di man po natin maintidihan ngayon pero I’m sure darating ‘yung araw na makikita na lang natin na itong pandemic na ‘to mas pinalakas ako. Mas naging matalino ako, mas naging aware ako, mas naging selfless ako.
“Alam ko darating ang araw na gano’n na natin titingnan itong pandemic. Sa mga kapwa Gen Z ko na mentally nahihirapan na, lahat naman tayo pinagdaraanan ‘yan so it’s normal. It’s okay to reach out for help. It’s okay not to be okay lalo na ngayon,” pagtatapos ng dalaga.
Paulo, dalawang taon bago nakabalik sa pamilya
Ngayong buwan ay magtatapos na ang teleseryeng Marry Me, Marry You na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Ngayon pa lamang ay mami-miss na raw ng aktor ang kanilang buong grupo at ang maganda nilang samahan sa set. “Mami-miss ko ‘yung kulitan. And ‘yung sabay-sabay kaming kumakain as a cast. I’m grateful for being given the chance to work with a beautiful cast with so many young talented actors.
“Of course a rock star as well. I’m just grateful that I’ve been given the chance. I think I didn’t just learn about the craft but I learned about life even more, kaya Salamat,” nakangiting pahayag ni Paulo.
Samantala, masayang-masaya ang aktor dahil nabigyan ng pagkakataong makapagdiwang ng Kapaskuhan sa Baguio na kasama ang pamilya. “Finally after two years nakabalik na rin ng Baguio. Intimate lang din, residente ako so pwede naman ako bumalik. It was really cold but during the Christmas season it kept on raining. So namamatay lagi ‘yung bonfire namin,” kwento ng aktor.
(Reports from JCC)