John Lloyd at Elias, iba ang body language ‘pag magkasama!
Mukhang good father si John Lloyd Cruz. Sa photos nila ni Elias na nakikita ko, dama mo ang closeness nilang mag-ama.
Iba ang body language ng bata ‘pag kasama si Derek Ramsay, at iba rin ang energy niya ‘pag si John Lloyd ang kasama.
Ang suwerte ni Elias, imagine mo, dalawang hottest actor natin ang kasama niya habang lumalaki, ang ganda ng magiging impression nito sa kanya in terms of confidence at pagiging manly.
Hindi ka ba maiinggit kay Elias na ang nag-aalaga sina John Lloyd at Derek, bongga ‘di ba!
Lucky Ellen Adarna na ang mga lalaking tulad nina Derek at John Lloyd ang katulong niya sa pagpapalaki ng kanyang anak. Puno ng love ang bata, at mukha ring good mom si Ellen.
Chaye, tumutupad sa pangako
Sa lahat ng mga naging in-law ng mga Revilla, si Chaye Cabal na asawa ni Cong. Strike Revilla ang paborito ko.
Kasi para siyang si Gretchen Barretto na very generous at mabilis magsabi na ‘ako ang bahala.’ Iyon bang lady of action siya talaga. Saka ‘pag nag-promise siya hindi drawing, kaya naman para sa akin woman of honor siya.
Siguro lang may mga pagkakataon na dahil sa sobra niyang trabaho forget niya ‘yung napangako niya, pero tiyak na ‘pag sinabi niya, tinutupad niya. Kaya hindi kataka-taka na mataas ang posisyon niya sa trabaho, kasi nga, kung anong sabihin niya, tinutupad niya.
Busy rin si Chaye sa pagtulong sa mga charity peoject ni Strike Revilla dahil nga likas sa kanya ang pagiging matulungin.
Salute Ms. Chaye, and more powers para mas lalo pang dumami ang matulungan mo.
- Latest