^

PSN Showbiz

Dingdong, nadalian sa lock-in dahil kay Marian

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, nadalian sa lock-in dahil kay Marian
Dingdong Dantes.
STAR/ File

Impressive ang full trailer ng bagong mini-series ng I Can See You na may pamagat na AlterNate na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes kasama si Beauty Gonzalez.

Ayon kay Dingdong, na-experience na niya ang matagalang lock-in taping at malaking bagay daw ang suporta ni Marian Rivera sa kanya.

Kaya kung sakaling mabigyan siya ng magandang material na pangmatagalang drama series, sa tingin daw niya kakayanin naman niya ang matagal na lock-in taping.

Dahil sa status natin ngayon sa pandemya, ganun pa rin daw muna ang setup nila ni Marian na siya na lang muna ang magtatrabaho at sa bahay na lang muna si misis. “Sa ngayon ganun muna. Pero wait and see muna tayo kasi sa totoo lang kagaya ng mga alert level, wait and see din muna tayo, tapos biglang malalaman natin alert level 3 na ngayon. So, we just really have to adapt kung ano ‘yung magiging sitwasyon ngayon. Kasi kahit anong pagplanong gawin mo, meron at merong pagbabagong darating eh,” dagdag na pahayag ni Dingdong.

Ang saya rin ni Beauty at paulit-ulit na nagpapasalamat sa magandang opportunity na ibinigay sa kanya ng GMA 7.

Aktor na hindi na aktibo at malalaki na ang mga anak, hindi nakaligtas ang anak sa ibang babae

Isang kaibigan ang nag-forward sa akin ng post ng isang babaeng nasa kabaong ng sanggol niyang anak. Ang sakit sa dibdib ng mensahe ng babaeng iyon para sa kanyang anak na pumanaw kamakailan lang.

Ayon sa aming source ang babaeng ‘yun ay dating nagtatrabaho sa isang daily show ng malaking TV network. Nakatrabaho raw ang isang kilalang aktor at nagkaroon sila ng espesyal na pagtitinginan.

Hindi lang nilinaw kung nagkaroon ng malalim na relasyon pero nagbunga ang kung ano man ang namagitan sa kanilang dalawa.

Ayon sa kuwento ng aming source, hirap ang babaeng ‘yun sa kanyang pagbubuntis at ipinaalam pa raw niya ito sa aktor. Pero hindi raw sineryoso ng aktor ang mensahe ng babaeng ‘yun. Dini-disregard lang daw ang mga pakiusap niya na panagutan naman ang pagbubuntis niya. Pamilyado kasi si aktor, at nakikita namang okay na okay sila ng kanyang misis, at malalaki na ang mga anak.

Meron na nga siyang anak na pumasok na rin sa showbiz.

Hindi raw sinabi nung babae sa mga kaibigan kung sino ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Pero ipinagtapat daw niya ito sa kanyang pamilya. Ang kini-claim niya ay itong si kilalang aktor daw talaga ang nakabuntis sa kanya.

Galit na galit daw ang ama ng babae dahil hindi na raw pinapansin nung aktor ang pakiusap ng kanyang anak. Isinilang ang bata na hindi rin maganda ang kalagayan.

Halos isang buwan daw sa hospital ang kawawang bata, at hindi na nakayanan, bumigay na rin ito kamakailan lang. Hindi pa nga raw fully-paid ang hospital bill, pero pinayagan na rin ng hospital na mailabas at mabigyan ng maayos na burol ang bata.

Lalong nagalit ang buong pamilya, at isinusumpa si aktor sa ginawa sa kanyang anak at nawalan pa ng apo.

Ewan ko lang kung nakarating na kay aktor ang mga pangyayari o sadyang kinalimutan na lang ang responsibidad niya sa babaeng diumano’y nabuntis niya.

Ang latest na narinig namin, pinag-iisipan daw ng tatay nung babae na magsalita at ibun­yag ang ginawa nung aktor sa kanyang anak.

BEAUTY GONZALEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with