Kris, wini-wish na madagdagan ang timbang
Sana naman kahit konti lang ay madagdagan ang timbang ni Kris Aquino.
Sobra ang kapayatan niya sa nakita kong photo nila nina Joshua at Bimby. Lalo pa nga at ang lalaking bulas ng dalawa.
Ang tataas at talagang maganda ang built nila Joshua at Bimby kaya parang ang liit-liit ni Kris.
Actually, mahilig kumain si Kris, mahilig pa sa meat kaya puwede naman madagdagan agad ang timbang niya basta lang maganda ang pakiramdam niya.
Pero honestly ha, blooming si Kris ngayon, para ngang mas gumanda siya ngayon dahil siguro naka-rest ng mabuti, at siguro walang stress.
Or baka naman talagang in love. Pero dapat lang kahit 10 pounds lang, dagdag-timbang siya. Dahil sobra na siya sa liit ngayon.
Happy new year Kris, stay safe and strong. We love you.
Holiday rush, maraming nabiktima ng COVID
Talagang tataas naman ang biktima ng COVID dahil sa rami nang lumabas noong holidays.
Kitang-kita mo sa TV na halos siksikan sa lahat ng lugar na pinupuntahan ng tao, pati mga park, amusement places, sobra ang crowd, pati mall. Sabagay, dahil nga holiday nakalimot siguro ang marami sa problema ng COVID, kaya pa-happy happy muna sandali.
Ngayon harap na naman sa problema dahil higpit na naman dahil nga sa nangyaring pagtaas ng numero ng mga tinamaan.
At least kahit sandali, nakalimot tayo, welcome natin ang new year, new hope. Enjoy 2022. Pero ingat pa rin.
- Latest