^

PSN Showbiz

Kilalang babaeng personalidad, mahusay sa sulutan ng raket!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Madalas nagiging nega ang dating ng isang kila­lang female personality. Kahit siguro maganda naman ang kanyang motibo ay lagi pa ring nega ang imahe niya.

Matalino siya, palagi niyang ipinagmamakaingay ang kanyang mga parangal sa mga eskuwelahang pinasukan niya, pero mukhang hindi niya naman ginagamit ang katalinuhang ‘yun sa tamang oras at paraan.

Maraming naiinis sa babaeng ‘yun, sulutera ang tawag sa kanya, dahil kapag iniimbita siya sa mga probinsiya para sa mga shows, asahan nang sa susunod na fiesta ay siya na ang mayhawak ng show, sinulot na niya ang promoter na nang-imbita lang sa kanya.

Kuwento ng aming impormante, “Kaya nga hindi siya mabenta sa mga provincial shows, kumalat na kasi ang pagiging sulutera niya. Pagdating niya sa place, ‘yung head na kaagad ng komite de pestejos ang hinahanap niya!

“Kakausapin na niya agad, bibigyan niya ng calling card para makapag-usap sila, pero ang pinakamatindi, tinatanong niya ang nagpaimbita kung magkano ang budget ng show promoter na pinakuha ng mga artista!

“Nakakaloka siya, di ba naman? Inimbitahan lang siya, pero manunulot pa siya! Sa susunod na taon, siya na ang maydala ng mga singers at artista, manunulot talaga ang lokah!” mahabang buwena-mano ng aming source.

Bihira ring kunin ang female personality na ito sa mga proyekto sa pelikula at telebisyon. Kapag ihinahanda na ang magiging casting ay maraming kumokontra sa kanya.

Patuloy ng aming source, “Kasi nga, e, mahilig siyang magdunung-dunungan! Pinakikialaman niya pati ang script! Saka mareklamo siya! Marami siyang kaartehan sa buhay!

“Naku, kinuha ngang performer ang babaeng ‘yun sa ibang bansa. Nu’ng may sponsor na nagmagandang-loob sa mga artista at singers na mag-shopping nang libre, aba, kinuha na niya ang good for 5 years na kagamitan niya!

“Wala siyang kahihiyan! Pero ang latest, galit na galit sa kanya ang male personality na nasaktan dahil sa sobrang kanegahan at kadaldalan niya! Nagmarunong na naman ang hitad!

“Ayun, nag-walkout tuloy ang male singer, kesa nga naman patulan pa ang kagagahan niya! Palagi na lang siyang nega, tactless, kaya maraming naiinis sa kanya!” nakataas pa ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris at Mel, may pinagdaraanan

Anyare? Sa halip na ang nalalapit nilang pagpapakasal ang sumalubong sa publiko ngayong 2022 ay iba ang naganap. Ano ang masamang hanging tumama sa relasyon nina Kris Aquino at Mel Sarmiento?

At bago na ang profile picture ni Kris sa kanyang IG at Facebook account. Nag-iisa na lang siya, wala na ang picture ni Mel Sarmiento.

Kapansin-pansin na binura na rin ni Kris ang mga video mula nang maging magkarelasyon sila ng dating kongresista, kahit retrato lang nito ay wala na, ano kaya ang naganap nitong mga huling araw sa kanila?

Maraming nalungkot sa scenario. Ang inaasahan nga kasi ng ating mga kababayan ay magpo-post na ang talk show host ng mga preparasyon tungkol sa kanilang pagpapakasal.

Pero bakit nagkaganu’n? Burado na ang mga retrato at video ni Mel Sarmiento sa mga accounts ni Kris? Nagkatampuhan ba sila? Naging malungkot ba ang selebrasyon nila ng Pasko at Bagong Taon?

May mga nag-iisip naman na siguro raw ay nauntog na sa katotohanan si Kris na hindi si Mel Sarmiento ang gusto niyang maghatid sa kanya sa altar.

At kung ayaw niyang si Mel ang pakasalan niya, ibig sabihi’y hindi rin ito ang gusto niyang makasama sa habambuhay, di ba naman?

Mahirap nga namang magpanggap, kung hindi siya maligaya kay Mel ay tatapusin na niya ang lahat habang maaga pa lang, bilang pagpapakatotoo sa kanyang sarili at sa publiko.

Pero teka lang muna. Si Kris Aquino ang bumibida sa istoryang ito. Malay naman natin kung napagtripan lang niyang tanggalin ang mga pictures at video nila ni Mel Sarmiento?

Baka naman gusto lang niya, walang kahit anong dahilan, basta type lang niya. bukas-makalawa ay siguradong meron nang bagong bersiyon ng kuwento si Kris tungkol sa nangyari.

Baka sabihin niya na sinubukan niyang tikisin si Mel, pero hindi pala niya kaya, ayun, balik na uli sila sa dati, magpapakasal na sila.

Tanong naman ni prop, “Hindi kaya si Bimby ang dahilan kung bakit? Kasi, kumbaga sa produkto, e, ang anak niya ang tumatayong quality control!

“Baka may sinabi sa kanya si Bimby na pinaniwalaan niya naman, kaya ayun, tapos na ang romansang espesyal na inaabangan pa naman ng buong bayan!” tanong-opinyon ni prop.

Naku, mahal naming SOS, pakiispeling mo nga ang bagong pangyayaring ito sa buhay-pag-ibig ni Kris Aquino na ikinatutuwa pa naman natin?

PERSONALITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with