Excited na raw na maging lolo ulit si Joey Marquez, this time sa magiging apo niya kay Winwyn Marquez na umaming 21 weeks pregnant na.
May kasunduan daw kasi sila ni Winwyn kapag binigyan na niya ito ng apo, siya ang mag-aalaga rito. “Sinabi ko kay Winwyn, kapag nagkaroon siya ng baby, ang deal namin ako ang mag-aalaga. So she can go back to work,” sey ni Joey na naghahanda na rin sa bagong TV show na gagawin niya for GMA.
Hindi raw napigilan ni Joey na maiyak sa tuwa noong ipakita sa kanya ni Winwyn ang sonogram photo ng baby nito sa loob ng kanyang tiyan. May mga apo na raw siya sa ibang mga anak niya, pero special daw si Winwyn sa kanya. “Okay nga eh! Kuhang-kuha ‘yung reaction ko. I was very happy for Winwyn. Excited kaming lahat, kami ng Mama (Alma Moreno) niya,” maluha-luhang sabi pa ni Joey.
Natuwa rin si Joey na ang huling pelikulang ginawa ni Winwyn na Nelia ay isa sa mga kumita sa Metro Manila Film Festival 2021.
Kuya Kim, sa Amerika muna
Sa mga naghahanap kay Kuya Kim Atienza dahil matagal nila itong hindi napapanood nang live sa Dapat Alam Mo at 24 Oras, nasa US ito ngayon at nagbabakasyon kasama ang kanyang pamilya.
Pinost pa ni Kuya Kim ang video ng pagbiyahe niya sa iba’t ibang airports para makita kung anu-ano ang kailangang gawin sa pagbiyahe mo sa new normal.
Sa latest Instagram video ni Kuya Kim, kasama nito ang kanyang panganay na anak na si Jose Atienza at nagbibisikleta sila sa campus ng Tufts University in Boston, Massachusetts kung saan nag-aaral si Jose.
“I took @jhatienza cycling for the first time on a road bike when he was 6. Now, he took his papa to cycle with him for the first time in his home campus. I had fun though my nose and fingers froze in the 1 degree Celsius wind! Let me humble brag that I am such a proud father of Jose. Be your best for His glory dear son! Love you!”
Ang isa pang anak ni Kuya Kim na si Eliana ay sa US din mag-aaral ng kolehiyo dahil natanggap naman ito sa University of Pennsylvania.
Ang bunsong anak ni Kuya Kim na si Emmanuelle ay kasalukuyang isang high school student.
American actress Betty White, namatay sa edad na 99
New Year’s Eve ay nagluksa ang buong Hollywood dahil sa balitang pagpanaw ng American TV icon na si Betty White sa edad na 99 sa kanyang Brentwood home in Los Angeles, California.
Ayon sa close friend and agent ng aktres na si Jeff Witjas: “Betty died peacefully in her sleep at her home early this morning. Even though Betty was about to be 100, I thought she would live forever. I will miss her terribly and so will the animal world that she loved so much. I don’t think Betty ever feared passing because she always wanted to be with her most beloved husband Allen Ludden. She believed she would be with him again.”
Kabilang si US President Joe Biden na nalungkot sa pagpanaw ng tinaguriang National Treasure ng American Television. Gayundin ang mga artista na nakatrabaho at naging close friends ni Betty tulad nila Ryan Reynolds, Sandra Bullock, Ellen DeGeneres, Seth Meyers, Conan O’Brien, Bob Iger, Paul Feig and Kathy Griffin na nag-pay tribute sa kanya on Twitter.
In three weeks ay mag-turn 100 na sana si Betty sa Jan. 17. Naglabas pa ng special edition ang PEOPLE magazine a few days ago to celebrate the actress’s 100th birthday.
Ayon sa PEOPLE editor-in-chief na si Dan Wakeford: “We are deeply saddened by the news of Betty White’s passing. We are honored that she recently chose to work with PEOPLE to celebrate her extraordinary life and career.”
Born Jan. 17, 1922, in Oak Park, Illinois, nakilala si Betty bilang isang comedian, TV host and animal lover. Tumakbo for 80 years ang kanyang career sa television at nanalo siya ng Emmy Awards para sa The Mary Tyler Moore Show at The Golden Girls. Nagwagi naman siya ng Screen Actor’s Guild award para sa Hot In Cleveland.
Bukod sa mga hayop, naging supporter din si Betty for gay rights, lalo na noong maging legal ang same-sex marriage sa Amerika.