Mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas nang huling nagkasama sa pelikula sina Bing Loyzaga at Janno Gibbs. Kasama ng mag-asawa sa Mang Jose ang dating kasintahan at katambal ni Janno na si Manilyn Reynes. “Frankly, when I found out that Janno was going to do Mang Jose and they told me they had Manilyn in mind already. Na-excite ako for him and for their fans. Kasi ang tagal na nilang hindi nagsama sa screen. Tapos tinanong ko kay Janno, ‘Baka pwede naman akong sumali diyan?’ Kasi nga I’ve never had the opportunity to work with Mane until this project. So I’m very thrilled to be part of this, to revive the love team, to be part of the revival of Janno-Manilyn love team. Nakakatuwa kasi lahat tayo lumaki tayo with that. Pampagulo ako do’n, that’s what really gets me,” natatawang pahayag ni Bing.
Malaki ang paghanga ng aktres kay Janno bilang isang magaling na artista sa telebisyon at pelikula. Para kay Bing ay talagang responsable si Janno sa harap o likod man ng kamera. “I think one of the traits Janno has that we both admire ni Mane would be his humor and he’s a good partner. That’s why the Janno-Manilyn love team also worked well. Magaling siya makipag-partner sa trabaho. Magaling siyang team player sa mga partnerships. So even sa marriage namin as a co-parent, okay kami. So I think that’s one trait naman that I admire,” pagtatapat niya.
Ricci, naibahan sa mundo ng showbiz
Kahit nakikilala na bilang isang artista ay hinding-hindi naman daw iiwan ni Ricci Rivero ang paglalaro ng basketball. Napapanood na ngayon sa Upstream.ph ang pelikulang Happy Times na pinagbibidahan ng binata. Katambal ni Ricci sa naturang digital film si Sharlene San Pedro. “No, siyempre kapag mahal na mahal mo ‘yung ginagawa mo tapos minsan napupuno ka lang din. Maghahanap ka kung ano pa ba ‘yung ibang pwedeng gawin na talagang nai-enjoy mo din or nakakapagpasaya sa ‘yo,” makahulugang pahayag ni Ricci.
Para sa basketball heartthrob ay talagang magkaibang mundo ang paglalaro ng bola at pag-arte sa harap ng kamera. “’Yung shooting sobrang na-enjoy ko rin naman kasi kakaibang experience siya for me. Mahirap umarte in front of the camera kasi ibang tao ka eh. Challenging pero nakaka-enjoy din talaga,” paglalahad ng baguhang aktor.
Ngayon ay ang paglalaro ng basketball ang muling pinagtutuunan ng panahon ni Ricci. “I’m focusing now on basketball po. Nagte-training na ulit ako. Do’n po muna talaga ako for now magpo-focus sa basketball,” pagtatapos ng binata.
(Reports from JCC)