^

PSN Showbiz

Alyssa, Anji, Brenda, Madam Inutz, at Samantha, pasok sa Pbb Kumunity final 5

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Alyssa, Anji, Brenda, Madam Inutz, at Samantha, pasok sa Pbb Kumunity final 5

Opisyal nang hinirang bilang PBB Kumunity Celebrity Edition Final 5 sina Alyssa Valdez, Anji Salvacion, Brenda Mage, Madam Inutz, at Samantha Bernardo.

Ngayong lima nalang silang natitira sa bahay ni Kuya, malalaman na sa takdang panahon kung sino ang tatanghaling Top 2 ng  PBB Kumunity Celebrity Edition.

Sa susunod na mga araw, masusukat ang lakas, determinasyon, at diskarte nina Alyssa, Anji, Brenda, Madam Inutz, at Samantha sa gagawing 10 Million Kumu Diamonds Challenge.

Para sa unang hamon, makakakuha ng 1 milyong Kumu diamonds ang nasa unang pwesto, habang 750K Kumu diamonds, 500K Kumu diamonds, 250K Kumu diamonds, at 100K Kumu diamonds naman ang makukuha ng nasa pangalawa, pangatlo, pang-apat, at panglimang pwesto.

May katumbas na diamonds na makukuha ang housemates sa bawat hamon ni Kuya ngayong linggo para sa laban nila upang makuha ang Top 2 na pwesto. Bukod dito, may power din ang taong bayan na bumoto via Kumu at text para sa Top 2 housemates nila.

Para bumoto sa Kumu, pumunta sa Kumu Campaigns at pillin ang “vote to save” (https://app.kumu.ph/VotetoSave) o “vote to evict” (https://app.kumu.ph/VotetoEvict). Para bumoto via SMS, i-text ang BBS o BBE at i-send sa 2366.

Sinong housemates ang magiging PBB Kumunity Celebrity Edition Top 2? 

MMFF movies, gagalaw pa ba sa takilya?!

Inaasahang gagalaw sa takilya ang pelikulang Kun Maupay It Panahon.

Big winner din ang pelikula sa Gabi Ng Parangal ng 2021 Metro Manila Film Festival aside from Big Night matapos itong manalo ng Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award, 2nd Best Picture, Best Visual Effects, Best Production Design, Best Actress in a Supporting role for Rans Rifol, Daniel Padilla (MMFF Jury Prize Award) and Best Actress in a Leading Role for Ms. Charo Santos.

Nauna na itong nag-compete sa Locarno International Film Festival na isang A-List International film festival na nagbibigay ng pagkakataon para sa mga ‘auteur cinema’ at napanood na rin ito sa iba pang international filmfest.

Sa kanyang social media account naglabas ng ‘acceptance speech’ si Ms. Charo na hindi na nakadalo sa awards night. “This is a very pleasant surprise in a challenging year where I have been in a roller coaster of emotions.
“I’d like to dedicate this award to the one man who truly made it possible for me to fly – my dearest husband Cesar. Additionally, I want to thank my family for their love, understan­ding, and support.
“I would also like to dedicate this to all Taclobeños. I had the privilege to share your story around the world in my own little way. Sana rin po ay maging inspirasyon ito sa ating mga kababayan na naapektuhan ng bagyong “Odette.”

Matumal ang galaw ng MMFF this year kahit ipinalalabas na sa mga sinehan lalo na nga at nadagdagan ang kaso ng Omicron variant sa Pilipinas. Marami pa ring takot sa kulob na lugar. Apat na ang na-trace na merong Omicron the other day at may ginagawang contract tracing.

Kasama pa rin ang isyung sabik na ang maraming fans na panoorin ang Spider-Man na ang lalaki ng mga wall ad sa mga mall. As in nagsusumigaw din ang mga naglalakihang poster nito sa mall na nagpapa-excite sa mga dumadaan sa mga sinehan.

At ang mga pelikulang kasali sa MMFF, ang liliit lang ng poster. Limited din ang mga sinehan ng ibang pelikula.

Saka ang mahal ng sine kasi. P350 to P500 ang entrance fee.

Bawal ding kumain at bawal ang chikahan so parang hindi rin naman bonding ang mangyayari sakaling manood ka.

At higit sa lahat, ang daming available na palabas sa mga streaming site.

Kaya talagang pahirapan ngayon ang pagpasok sa mga sinehan.

Last year ay digital edition ang MMFF kaya madaling na-pirate. As of this writing ay wala pang nababalita or nagrereklamo na may na-pirate na movie sa eight official entries.

Sana nga ay lumakas ito dahil kawawa rin naman ang mga producer na umasa sana sa awards night para matulungan ang pelikula nila pero nganga.

PBB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with