^

PSN Showbiz

Talent fee ni Julius Babao, naging isyu sa paglipat niya sa TV5?!

SHOW-MY - Pilipino Star Ngayon
Talent fee ni Julius Babao, naging isyu sa paglipat niya sa TV5?!
Julius Babao.

Ah plantsado na pala ang paglipat ni Julius Babao sa TV5.

Naunang natsika na namamahalan diumano ang ma­nagement ng 5 sa talent fee ni Julius kaya nakikipag-bargain pa sa kampo nito.

Siya diumano kasi ang papalit sa iiwanang programa ni Raffy Tulfo na magpu-full blast na sa pangangampanya para sa kanyang kandidatura sa pagka-senador sa 2022.

Si Kabayan Noli de Castro ang naunang napabalitang papalit kay Mr. Raffy pero ‘yun nga nag-file siya ng candidacy sa pagka-senador pero nag-back out nang diumano’y magkaroon ng problema sa financial support ng kanyang kandidatura.

Bumalik siya sa Teleradyo pagka-withdraw niya ng kandidatura pero hindi na siya nakabalik sa TV Patrol.

Anyway, wala pang binabanggit tungkol dito si Julius pero umaasa raw pala itong papalit pala noon kay Kabayan sa TV Patrol pero ibinigay ito kay Karen Davila.

Kapamilya stars, nagbahagi ng talento para matulungan ang mga biktima ng bagyong Odette

Nakisalo ang fans sa buong mundo sa mga awitin ng pag-asa at nakaaantig na kwento ng mga survivor ng bagyong Odette sa isinagawang Tulong Tulong sa Pag-Ahon: Andito Tayo Para Sa Bawat Pamilya benefit concert ng ABS-CBN noong Dis. 23.

Habang todo bigay ang Kapamilya stars sa pag-alay ng kanta sa mga naapektuhan ng bagyo, todo bigay rin ang mga Pilipino sa pagpapadala ng donasyon sa kanilang panonood ng concert na ipinalabas ng live sa ABS-CBN Entertainment YouTube at Facebook accounts, iWantTFC, cable TV channel TeleRadyo, at TFC IPTV.

Patunay nga na laging handa ang mga kababayan natin upang tumulong sa pag-ahon ng ating mga kapwa Pilipino, nagsilbing pasimula sa online fund drive na Tulong-Tulong sa Pag-Ahon ng ABS-CBN Foundation para sa relief efforts at mga proyekto nito para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Kabilang sa mga naghandog ng kanilang oras at talento ang hosts na sina Robi Domingo, Bianca Gonzalez, at Bernadette Sembrano, kasama ang mga bigatin at sumisikat na singer na sina Jona, Jed Madela, Nyoy Volante, Angeline Quinto, Jeremy Glinoga, Sheena Belar­mino, Kyle Echarri, Angela Ken, Gigi de Lana at GG Vibes, at si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Tinugtog rin ng PBB Kumunity Season 10 celebrity housemates na sina Alexa Ilacad, Alyssa Valdez, Anji Salvacion, Brenda Mage, KD Estrada, Madam Inutz, at Samantha Bernardo ang kanilang mga orihinal na komposisyon habang nag-iwan din ng mensahe para sa kanilang mga kababayang nasalanta sina Brenda, Sam, at Anji.

Ipinaliwanag naman ng ibang ABS-CBN stars tulad nina Coco Martin, Gerald Anderson, Belle Mariano, Alvin Elchico, Doris Bigornia, Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Julia Montes, at Piolo Pascual ang iba’t ibang paraan upang tumulong at kung gaano kahalaga ang tulong ng bawat isa, salapi man o mga donasyong kagamitan tulad ng de lata, bigas, tubig, hygiene kits, at kumot.

“Ang apat na daang piso ay makapagbibigay ng pagkain sa isang pamilya na sapat sa tatlong araw. Ang malaking halaga naman po ay makakatulong po sa ibang aspeto ng pagbabangon mula ngayon hanggang sa susunod na taon. Sana po ay tumulong tayo, mga kapa­milya,” ani Coco.

 Tumatanggap pa rin ang ABS-CBN Foundation ng mga donasyon sa kanilang BDO (0039302-14711), BPI (4221-0000-27), PNB (1263-7000-4128), GCash, PayMaya, at PayPal accounts. Para naman sa international donations, pumunta lamang sa abscbnfoundation.org.

Nadine, may transparency report sa mga naiipong donasyon

Kinarir na nga ni Nadine Lustre and pangangalap ng donasyon. Hindi na lang mga taga-Siargao ang inihihingi niya ng tulong. Maging ang taga-Cebu, Negros, Palawan, Dinagat and Bohol.

At in all fairness, may transparency report sila ng kanyang fans sa mga natatanggap nilang donasyon.

Nag-relocate kamakailan si Nadine sa Siargao kung saan naka-base ang kanyang boyfriend na si Christophe Bariou pero biglang dumating ang isa sa pinakamalakas na bagyo na sinalanta ang mga lugar na puntahan ng mga turista – Siargao, Palawan, Cebu and Bohol.

JULIUS BABAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with