^

PSN Showbiz

Jeric at Rabiya, lantaran ang lambingan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jeric at Rabiya, lantaran ang lambingan!
Jeric at Rabiya.

Wow naman ‘yung scoop mo, Salve, sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa ha. Tahimik lang pala pero meron nang romance between Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.

Pero siguro hindi itinatago dahil sa Enchanted Kingdom sila nag-date at nahuli na very sweet. Siguro nga wala lang nakapansin pero baka noon pa meron na ngang nag-bloom na love sa dalawa.

Bagay naman sila dahil beauty queen si Rabiya, at matangkad at pogi naman si Jeric.

Kung sakali, may bagong love team ‘di ba! At bagay, kaya wait tayo ng ending nito, tuloy sa altar, o career muna para mas maayos ang future. Ano ang pipiliin ng dalawa?

Teknolohiya, naging daan para mabati ang mga nasa malayo

Buti na lang bongga na techno­logy ngayon. Ang galing ng nagagawa ng cellphone na talagang puwede mong text/ tawagan ang friends mo para batiin ‘di bah!

Imagine mo kung walang texting, grabe magiging gastos mo sa overseas calls, o kaya hindi mo mapaabot ang pagbati para sa mga type mong batiin. Talagang ‘pag hindi mo nabati, parang hindi mo man lang naalala, eh ang dali na ngayong magpadala ng text.

Nakakatuwa rin lalo na ‘yung mga matagal mo na hindi nakikita at nabati ka, masarap din sa feeling. At sa lahat ng bumati, thank you, appreciate much talaga. Merry Pasko sa lahat.

RABIYA MATEO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with