Jeric at Rabiya kumpirmado ang relasyon, pinaiinit ang kanilang pasko!
Nakakaintriga nga ang lumabas sa social media na sweet moment nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo sa Enchanted Kingdom.
Iniisip namin nung una na baka marubdob lang talaga ang kanilang pag-uusap at wala namang malisya ang pagyakap at paghalik ni Jeric kay Rabiya.
Pero tinanong ko pa rin ang ilang taong malapit sa dalawa, at confirmed daw na may namumuo na ngang magandang relasyon.
Sa pagkakaalam ko nagkakilala ang dalawa nang magsama silang mag-guest sa taping ng Wish Ko Lang.
Kaya hindi malamig ang kanilang Pasko. Ang higpit ng yakap, at ang init ng halik!
Sinubukan ko ngang hingan ng pahayag si Jeric, pero ayaw pa raw niyang magsalita.
Magkakaaminan din naman ‘yan sa tamang panahon.
Samantala, marami naman daw ang nakapansin sa sweetness uli nina Ruru Madrid at Bianca Umali.
May nasilip pa akong magandang pictorial ng isang brand ng sapatos na kung saan kasama ni Bianca ang magkapatid na Ruru at Rere. Kasama rin doon sa pictorial ang boyfriend ni Rere.
Ang comment nga ng ilang taga-showbiz din, parang part na raw talaga ng family si Bianca.
Nagkaproblema nga raw noon sina Ruru at Bianca, pero mabuti at naayos naman at nakita rin namang dumalo pa ang Kapuso actress sa nakaraang birthday party ng bida ng Lolong.
At least, hindi na rin malamig ang Pasko nina Ruru at Bianca.
Baby ni cong. Nina, malapit nang pumasa
Ang saya ng ACTS-CIS Partylist representative Nina Taduran nung nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Martes dahil nakikita na raw niya ang liwanag na maa-approve na sa Senado ang ipinasa niyang House Bill 8140 o ang proposed Media Workers’ Welfare Act.
Ito talaga ang itinuturing na baby ni Cong. Nina dahil handog niya ito sa mga kasamahan niyang taga-media kagaya niya bago raw matapos ang termino niya sa Kongreso sa June next year.
Halos kasabay ito ng isa ring bill na kung saan siya rin ang nag-co-author kina Cong. Mikee Romero at Cong. Eric Pineda, ang House Bill No. 7762 o ang proposed Eddie Garcia Act.
Ani Cong. Nina; “Nasa 3rd and final reading unanimously approved, 218 na affirmative, walang nag-abstain, walang kumontra, and then nakasalalay na sa mga kamay ng Senado. At ang kagandahan nito, just the other day ba ‘yun, nung ini-report sa akin nina Usec. Kris Ablan na naipasa na sa plenary, sa second reading ni Sen. Joel Villanueva, ang aking counterpart doon.
“By January inaasahan natin…maging si Sen. Migz Zubiri, nagbigay na ng kanyang commitment na by January, iaapruba nila on third reading.
“This is a very good news for us!”
Kaya patuloy siyang nakikiusap sa mga kasamahan sa media na sana patuloy pa rin daw kalampagin ang nasa Senado, para kapag ma-approve na ito, ipapirma na nila ito sa ating Pangulong Rodrigo Duterte para maisabatas na.
“Sana mag-lobby pa tayo. At least, magandang ano pa ‘to... magandang pamasko ito sa atin,” masayang pahayag ni Cong. Nina Taduran na nag-i-enjoy na sa kanyang radio program na On the SPOT na napapakinggan sa RMN-DZXL, mula Lunes hanggang Biyernes ng 6 hanggang 7 ng gabi.
Congratulations din kay Cong. Nina sa paggawad ng parangal sa kanya na President’s Award mula sa 69th FAMAS Awards.
“I’m so honored. I’m so humbled. Sabi ko nga, feeling ko parang ka-level ko na sina Nora Aunor at Vilma Santos. Parang best actress na rin ako.”
- Latest