John Lloyd, eeksena pagka-Pasko

John Lloyd at Elias
STAR/ File

Malalaman kung paano hahatak si John Lloyd Cruz sa GMA comedy sitcom na Happy ToGetHer na mapapanood na sa Sunday, Dec. 26.

Aside from playing the lead role of Julian, a handsome mechanic and single-dad who aspires to give his son a better future and find his one true love, creative consultant ang nagbabalik na aktor sa Happy ToGet­Her.

Nauna nang sinabi ni John Lloyd na kasabay ng bagong opportunity ang bagong challenge “Siguro, mas malaking challenge na nasa bagong bakuran tayo. It’s challenging kasi nangangapa kaming grupo. Kaya napakaswerte namin dahil iyong assistance, paggabay, at pagtulong ng GMA sa amin ay talagang hindi matatawaran.”

He added, “‘Yung opportunity na galing sa GMA executives, araw-araw namin ipinagpapasalamat. Sa bawat araw na nasa loob kami ng bubble, mayroon kaming opportunity na makapagtrabaho and we can all move forward from the current situation of our nation. Kaya punung-puno kami ng pasasalamat. In return, and gusto lang naman namin ay maibalik sa audience ‘yung favor na ibinibigay sa atin dito sa Kapuso Network.”

Confident naman ang First Vice President for Program Management Jose Mari Abacan na magugustuhan ng au­dience ang programang ito, “Nung nakuha ko na ‘yung mga na taped nilang episodes, talagang I am very, very confident na the Kapuso viewers will actually appreciate it. Matutuwa sila doon sa mga episodes na ginawa nila John Lloyd.”

Ayon naman kay direk Edgar “Bobot” Mortiz, preparations for the show took longer than expected because it must be special, “Tumagal ‘yung paghahanda namin dahil sa konsepto nung show. Gusto namin siyempre maiba naman ‘yung konsepto niya kaysa doon sa dating ginawa namin. Nandoon pa din ‘yung flavor na gusto namin, pero iba naman siya. Iba ‘yung comedy namin. Makikita niyo na may touch ng John Lloyd.”

Mas huling naging Kapuso si John LLoyd pero mas nauna pa siyang mapanood kesa sa loveteam niyang si Bea Alonzo.

Anyway, inaasahang kasama ni John Lloyd ngayong Christmas ang anak na si Elias.

Show comments