^

PSN Showbiz

Michael V nag-ala Kuya Wil sa 'Wowowin' habang Revillame nasa Odette relief ops

James Relativo - Philstar.com
Michael V nag-ala Kuya Wil sa 'Wowowin' habang Revillame nasa Odette relief ops
Litrato ni Willie Revillame (kaliwa) habang namamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng Typhoon Odette at si Michael V (kanan) habang nagsu-substitute sa nauna sa palatuntunang "Wowowin," ika-22 ng Disyembre, 2021
Litrato mula sa PCOO; Video grab mula sa Youtube channel ng Wowowin

MANILA, Philippines — Habang namamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng Typhoon Odette ang "Wowowin" host na si Willie Revillame, merong nag-substitute sa kanya sa programa — ang komedyanteng si Michael V.

Kilala sa kanyang impersonation ng mga personalidad, kuhang kuha ni Bitoy ang kilos, pananalita, pagkanta atbp. ni Kuya Wil habang pinangungunahan ang mga segments ng palabas gaya ng "Tutok to Win" nitong Miyerkules habang nagpapakilalang "Kuya Wowie."

"Kaya ako nandidito, si Kuya Wil lumipad papuntang Mindanao para maghatid ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong 'Odette,'" wika ng Kapuso actor.

"Si Kuya Wowie ang kasama niyo ngayon at nabigyan tayo ng pagkakataon na mag-host... Kapag napaganda ang trabaho natin dito ngayon, baka makaulit tayo bukas!" 

Sa huling taya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot na sa 258 ang namamatay dahil sa hagupit ng bagyong "Odette" — maliban pa sa 568 nawawala at bilyun-bilyong halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastruktura.

Sinasabing ito ang pinakamalakas na bagyong pumasok sa Pilipinas ngayong taong 2021.

Ilan sa mga lubhang naapektuhang rehiyon ng sama ng panahon ang MIMAROPA, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA at BARMM.

Aniya, matagal na rin naman daw ginagaya ni Bitoy si Revillame kung kaya't nagkausap sila para pansamantala siyang humalili sa naturang palatuntunan.

Nagpaabot naman siya "good luck" kay Willie sa kanyang relief efforts sa probinsya habang hinihiling sa publiko na manatiling ligtas: "Sana wala nang mangyaring bagyo sa inyo, at 'wag kayong mag-alala, si kuya Wil ang bahala diyan," dagdag niya.

Kahit wala ang nakagawiang host ng programa, tuluy-tuloy naman ang pamimigay ni Bitoy ng aguinaldo kahapon na nagkakahalaga ng P20,000 in cash para sa mga swerteng natawagan sa telepono.

Revillame magpa-Pasko sa relief ops

Sa panayam kay Revillame ng Radyo Singko sa palatuntunang "Ted Failon and DJ ChaCha," sinabi ng TV host na mag-iikot siya sa Mindanao ngayong araw habang namamahagi ng tulong.

"Baka dito na ako mag-Pasko," paliwanag ni Willie ngayong Huwebes.

"Ito na lang ang Pamasko ko sa kanila [na mga nasalanta]. Kung meron tayong kauti, kahit papaano eh makatulong tayo."

Posibleng dumayo rin daw siya sa probinsya ng Bohol at ibang bahagi ng Visayas gamit ang kanyang helicopter bilang parte ng kanyang pakikipagbayanihan.

Nakasama ni Willie si Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Christopher "Bong" Go sa kanyang pagbisita sa Siargao, habang nag-donate naman ang nauna ng tig-P1 milyon sa siyam na munisipalidad nito bilang bahagi ng rebuilding efforts.

— may mga ulat mula sa News5 at ONE News

BAGYONG ODETTE

MICHAEL V

SUPER TYPHOON ODETTE

WILLIE REVILLAME

WOWOWIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with