Ogie tatlong buwan inayos ang pagsasama-sama ng 25 sikat na singer para sa frontliners

Ogie
STAR/ File

Dalawampu’t limang sikat na singer ang nagsama-sama para sa kantang Bayaning Tunay, isang espesyal na handog para sa mga frontliner na itinuturing na mga natatanging bayani ngayong pandemya.

Inawit nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez-Alcasid, Gary Valenciano, Lea Salonga, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Martin Nievera, Lani Misalucha, Noel Cabangon, Piolo Pascual, Bamboo, Ely Buendia, Rico Blanco, Erik Santos, Christian Bautista, Jed Madela, Nyoy Volante, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Morissette, Klarisse, Janine Berdin, Jason Dy, Sam Concepcion at Lara Maigue, ang Bayaning Tunay ay nagbibigay-pugay sa tapang at pagsisikap na ipinamalas ng mga frontliner sa gitna ng mga pagsubok.

“Bumababa na ang mga kaso ng COVID-19.  Praise the Lord!  Huwag nating kalimutan ang mga bayaning tumulong sa atin sa panahon ng pan­demya, mga nagtrabaho sa mga ospital, silang mga frontliner,” ani Ogie na siyang sumulat ng kanta bilang year-end gift para sa kanila.

Banggit pa niya “Last year when we lost our Dad to covid, I witnessed virtually how everyone at the hospital were working round the clock in order for them to save as many lives as they could. To all of you, we want to tell you that we will never forget you and will be forever grateful for your service.”

Tinuturing din niyang buhay na anghel ang frontliner na si William Gonzaga na nag-alaga talaga sa kanyang ama. “I was touched by what William did. He was our angel, and he took care of my father up to his cremation. This inspired me to write Bayaning Tunay. I hope this song reminds us of the time when we went through a difficult period and who was there in the front of the battle lines. This is our way of saying thank you, we love you, and we honor you, our dear medical frontliners,” pag-aalala niya.

Pero hindi naging madali para pagsama-samahin ang malalaking artists para sa isang pro-bono na proyekto. Kaya naman inabot umano ito ng tatlong buwan para matuloy.  “We had to get waivers and the permission of the networks. It took three months for the project to come into fruition.”

Ang proyektong ito ay pinarating niya kay  Dr. Tony Leachon, ang chairman ng  Kilusang Kontra Covid (KilKoVid), isang civil society group na binuo sa  Quezon City bilang tulong sa QC government sa pagpuksa ng COVID-19 virus.

Ang KilKovid ay nakipag-ugnayan sa health care workers sector sa tulong ni Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians upang malaman ng mga manggagamot ang tungkol sa suporta na ito.

Handog ng Star Music ang Bayaning Tunay na mula sa areglo ni Homer Flores, mastered ni Tim Recla, at prinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo katulong sina Ogie at Gary V bilang production consultants.

Pormal na inilunsad ang kanta sa ASAP Natin ‘To noong Linggo at ngayon ay napapakinggan na sa iba’t ibang music streaming services.

Show comments