^

PSN Showbiz

MMFF movies apektado ng Odette!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
MMFF movies apektado ng Odette!

Masaya na rin ang mga taga-MMDA at ang Executive Committee ng Metro Manila Film Festival na nairaos nila ang fluvial parade, kahit nag-uulan nung nakaraang Linggo.

Ang isa sa ikinatuwa nila ay hindi sila naglikha ng matinding traffic, dahil nasa Pasig river naman kasi ang parada.

Pero malaking challenge itong haharapin ng MMFF ngayong taon dahil nasa pandemya pa rin tayo at kailangan pa ring sundin ang mga health protocol na ipinatutupad.

Nang nakatsikahan nga namin ang spokesperson ng MMFF na si Noel Ferrer, inaasahan nila ang buong suporta ng taumbayan sa walong pelikulang kalahok dahil kahit nagbukas na ang mga sinehan, ang hirap pa ring bawiin ang malaking ipinuhunan ng mga movie producer.

Hindi pa rin ito kagaya nung mga nakaraang MMFF na maraming mga sinehang papalabasan nito.

Sabi nga ni Noel, may 900 movie theaters ang  nagagamit ng MMFF. Pero ngayong kabubukas lang ng mga sinehan, 300 pa lang ang puwede.

Karamihan sa mga sinehan ay hindi pa talaga nagbukas dahil sa inaayos pa ito. Ang dami pala nilang nasirang gamit dahil sa halos dalawang taong hindi ito nagagamit.

Kung dati ang isang mall na may 12 cinemas, halos kalahati pa lang ang nabubuksan.

Pagkatapos, 50 percent lang ang capacity, kaya hindi pa rin talaga kayang bawiin ang puhunan ng mga pelikulang ipinalalabas.

Dagdag na problema pa sa ngayon ay ang katatapos lang na pananalasa ng bagyong Odette sa ilang bahagi ng Kabisayaan at Mindanao. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring kuryente sa ilang lugar kaya nabawas pa iyun na sinehan.

Ang tindi talaga ng struggle na hinaharap ng ating movie industry. Pero tuloy pa rin ang laban at nakakatuwang may mga nagsusugal pa ring mag-produce kahit hindi sila umaasang mababawi nila agad ito.

Kaya sana tangkilikin ng mga kababayan natin ang MMFF 2021 at huwag naman sanang umatake ang mga namimirata ng mga pelikula. Bukod pa riyan, pinag-uusapan na raw nilang itutuloy na talaga nila ang Summer Metro Manila Film Festival na naunsyami bago nagkaroon ng pandemya.

Marian maraming natutunan sa Miss Universe

Napansin ko ang kakaibang confidence ngayon ni Marian Rivera nang humarap siya sa isang virtual mediacon sa ilang miyembro ng entertainment press.

Siyempre, kakaibang experience naman talaga itong pag-judge niya sa katatapos lang na Miss Universe 2021, na aminado naman siyang hindi niya akalaing maimbitahan siya at mabigyan ng chance na i-judge ang 80 na nagagandahang kababaihan sa buong mundo.

Ang dami raw niya talagang natutunan at napatango siya nang sinabi kong marami siyang realizations at nabago ang pananaw niya at definition sa salitang ‘beauty’. “Kasi, hindi ko makakalimutan ‘yung sinabi sa akin ni Ms. Paula (Shuggart) na ang sabi niya, ‘Marian, ang hinahanap natin sa Miss Universe ‘yung kaya niyang dalhin ‘yung sarili niya. Na kailangan kapag ginagawa niya ang isang bagay, masaya siya. At the same time parang…I don’t care kung mahaba ‘yung buhok, maikli, payat, matangkad, o whatever. Gusto ko kung paano niya dalhin ang sarili niya.

“Even sa question and answer portion, kung hindi sila makapag-straight English, I really don’t care.

“Kung saan sila kumportable na salita na ma-express nila ang sarili nila, na masasagot nila ng tama, okay ako dun.

”So, parang nagsi-sink lahat na ang pagiging maganda, oo kailangan ang panlabas lang, pero maganda pa rin kung ang kalooban mo mabuti, buo at magaling ang intensyon mo para sa ibang tao,” mahabang pahayag ni Marian.

Kaya naman noon pa ay sinasabi ni Marian na mas mabuting magpakatotoo na lang talaga dahil ang pagiging totoo, ang tunay na kagandahan

“Sabi ko naman sa inyo ‘di ba? Hindi naman ako mapagpanggap, Kung ano ang nararamdaman ko, iyun ang gagawin ko. Kilala ‘nyo naman ako di ba? Siguro mas nagpatibay talaga na mas maganda talaga ang mangyayari sa ‘yo kapag totoo ka sa sarili mo.

“Kapag ini-enjoy mo ang bawat sandalling nangyayari sa buhay mo, at saka wala eh…ang saya talaga ng flow ang nangyayari sa Ms. U na parang ang pagkakataon na napili ako, ang at the same time sobrang thankful ako na nandiyan lahat sa akin, kay Dong, especially ang mga kasama ko na nag-judge ay na-extend talaga na naging kaibigan ko sila.

“So, parang ang daming blessings talaga na sabay-sabay na ibinigay sa akin ng pagkakataon,” dagdag niyang pahayag.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with