^

PSN Showbiz

Sharlene, ayaw pangunahan ang relasyon nila ni Ricci!

DIRECT LINE - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sharlene, ayaw pangunahan ang relasyon nila ni Ricci!
Sharlene
STAR/ File

Nagkatambal sa unang pagkakataon sina Sharlene San Pedro at Ricci Rivero para sa pelikulang Happy Times. Napapanood na ngayon sa Upstream.ph ang naturang pelikula. “Nakakatuwa po sa totoo lang kasi nag-start po talaga ‘yung team up sa Twitter daw po, Twitter-serye daw po. Parang ‘yung mga kwento po sa Twitter na ginagawa po nila. Ang galing kasi iba na talaga ‘yung power ng social media na kapag ikaw ngayon ay maingay sa social media, pwede na talagang gawan ng film kung makaka-build ka ng fan base. So we are very thankful po sa mga sumu-support. Worth the wait itong movie na ‘to talaga,” pahayag ni Sharlene.

Kahit naging malapit sa isa’t isa sina Sharlene at Ricci ay hindi naman nangangahulugang may espesyal nang namamagitan sa dalawa. “Sobrang close po namin ni Ricci. Pero ayun nga po, huwag n’yo na lang po talaga pangunahan, ha-ha-ha! Feeling ko kaya din nag-work ang aming team up kasi okay kami sa isa’t isa. Nagkakaintindihan kami sa set. Sabi nga namin masusundan pa ‘tong project pero gusto naming mag-try pa ng ibang genre,” giit ng dalaga.

Samantala, ilang taong hindi nakagawa ng pelikula si Sharlene dahil pinagtuunan ng panahon ang kanyang pag-aaral. Kumukuha ng kursong Bachelor of Arts in Psychology ang aktres at aminadong nahirapang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. “Personal choice ko din naman na hindi umakting these past few years kasi nag-aaral ako. Bago mag-pandemic sabi ko medyo luluwag-luwag na ako. Bandang March bago mag-pandemic sobrang stress ako sa shoot kasi ako ‘yung gumagawa ng thesis ko at kailangan kong mag-OJT. Sobrang importante ng movie na ito sa akin. Kasi feeling ko, hopefully mag-open ito ng doors sa mga susunod na films pa and abangan n’yo po ‘yan,” pagtatapos ng aktres.

Daniela, natakot kay Direk Cathy

Isa si Daniela Stranner sa mga bida ng pelikulang Love At First Stream na kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong Kapaskuhan. Masayang-masaya ang baguhang aktres dahil sa tiwala at suportang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN. “Importante ito sa akin kasi grabe ‘yung tiwala na binigay sa akin ng ABS-CBN. Kahit pandemya hindi nila kami pinabayaan. Ginawa namin ‘yung best naman para bawiin ‘yung tiwalang binigay nila sa amin. Importante ito sa akin kasi may pangarap din ako para sa akin at para sa pamilya ko. Malaking tulong itong binigay sa akin. I’m very happy and blessed, super grateful ako,” paglalahad ni Daniela.

Nakaramdam daw ng takot ang dalaga noong nalaman na si Cathy Garcia-Molina ang direktor ng kanyang gagawing pelikula. “I don’t deserve this and I’m not good enough. Sobrang takot ako kay direk kasi that’s direk Cathy eh. Tapos no’ng nabasa ko ‘yung script bago kami mag-lock-in, sabi ko, ‘Oh! My gosh! Ako ‘yung pag-iinitan ni direk dito. Baka ako ‘yung ma-jackpot dito.’ Siyempre baguhan kami. Hindi kami gano’n kagaling or talagang artistang-artista. Sabi ko, ‘Patay.’ Tapos agpunta sa set, it’s not what I expected. Matulungin si direk Cathy, hindi kami pinabayaan ni direk,” kwento ng baguhang aktres. (Reports from JCC)

HAPPY TIMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with