Buong puwersa ang GMA Network sa paghahatid ng balita at serbisyong pampubliko sa gitna ng pananalanta ng bagyong Odette.
Bago pa man mag-landfall si Odette, nakahanda na ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) at ang mga team nito. Bunga nito ay mabilis itong nakapamahagi ng relief packs sa Leyte, Surigao, Bohol, at Cebu. Katuwang ang Armed Forces of the Philippines, agad na nakapaghatid ng tulong ang GMAKF sa mga lugar na pinaka nangangailangan ng tulong. Nag-donate rin ang Philippine Army ng P4 million sa GMAKF mula sa subsistence allowance ng mga sundalo. Ang Philippine Navy naman, dinala ang mga GMAKF relief goods patungong Cebu at Bohol. Ang Philippine Coast Guard, katulong ng GMAKF sa paghahatid ng mga relief goods patungong Mindanao.
Full force rin sa paghahatid ng balita ang GMA News sa pamamagitan ng 24 Oras, Unang Hirit, Saksi, 24 Oras Weekend, at GMA News Bulletins.
Sa GTV, nariyan ang Dobol B TV, GMA Regional TV News, Balitanghali, Dapat Alam Mo!, State of the Nation, at ang Balitanghali Weekend.
Muli ring naasahan ng publiko ang resident meteorologist ng GMA News na si Nathaniel “Mang Tani” Cruz na naghatid ng impormasyon at pati na babala ukol sa bagyong Odette bago pa man ito pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
Kaakibat din ng GMA News ang mga news team ng GMA Regional TV na hindi natinag ng bagyong Odette sa pagbabalita mula sa iba’t ibang sulok ng bansa lalo na sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.
Sa online, updated din ang netizens sa pamamagitan ng GMA News Online at ng mga social media platform ng GMA News and Public Affairs. May livestreaming ng 24 Oras, 24 Oras Express, 24 Oras Weekend, 24 Oras News Alerts, at mga post patungkol sa mga government briefing. Aktibo rin ang GMA News and Public Affairs’ citizen engagement arm na YouScoop at may mga quick breaking updates sa GMA News Feed. Ang disaster at emergency preparedness portal ng Kapuso Network na IMReady ay wala ring tigil sa pagbabahagi ng updates online.
Patuloy ang Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation sa pagtanggap ng cash donation.