Jelai Andres parang namatay at muling nabuhay ang pakiramdam, kauna-unahang social media star na endorser ng Beautederm
Feeling love guru na ang social media star na si Jelai Andres na sinalubong bilang brand ambassador ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ang pinakabagong nitong line ng health supplements.
Naging maingay ang hiwalayan nila ng asawang si Ex Battalion na si Jon Gutierrez since last year pero nakabawi na si Jelai.
Nasa korte na ang annulment nila at kaya na niyang pag-usapan ang mga nangyari.
Aminado siyang nahirapan siya pero nalampasan niya. “Talaga naman pong nahirapan ako. Hindi lang po ako nahirapan, gumapang po talaga ako sa mga pinagdaanan ko, talaga pong nahirapan ako. Para kang namatay po, tapos nabuhay ka lang ulit. Para pong ganu’n.
“So, inisip ko po na lahat po ‘yun ay may dahilan, lahat po ‘yun ay regalo ng Diyos na kapag alam Niyang mayroon kang magandang intensyon, ilalayo ka po Niya sa mga taong hindi dapat para sa ‘yo,” pag-amin ng aktres, YouTube content creator, at social media personality na huling napanood sa Owe My Love ng GMA 7.
“Dati po ‘pag ako ang tinatanong nila kung paano mag-move on, sabi ko bakit ako ang tinatanong n’yo, eh ako nga hirap na hirap din, hindi ko alam kung paano. Pero ngayon ay nasasagot ko na po sila. Tingin ko nga po parang love guru na ako kasi nakikinig sila sa akin.
“Para sa akin lang ito, hindi in general ang sinasabi ko. Pero ang sinasabi ko, dapat pala hindi ko ito ginawa. Eto pala dapat ang ginawa ko. Feeling ko naman may natutulong ako sa kanila. Pero sinasabi ko sa kanila, depende sa sitwasyon, depende sa tao,” dagdag pa niya.
Kaya naman saludo si Ms. Rei Anicoche-Tan, CEO and President ng Beautederm Corporation kay Jelai na may almost 18 million followers sa kanyang social media platforms. “Kabilang siya sa grupo ng empowered women na hindi porke’t broken ka, hindi ka na pwedeng tumayo ulit. Laban! So, isa si Jelai sa magandang ehemplo ng kababaihan,” sabi ni ni Ms. Rei.
“Super nagpapasalamat po ako kasi dati po gumigising ako na lagi po akong umiiyak, lagi pong umiiyak bago matulog tapos ngayon po thankful ako kasi hindi na po ako umiiyak.
“Umiiyak ako kasi [masaya ka ] opo kasi pag iniisip ko na ahh napagdaanan ko ‘yun ngayon di ko na siya nararamdaman kaya po umiiyak ako kasi nare-realize ko na bakit ganun dati tapos ngayon wala na siya na masaya na po ako, very thankful po ako parang papunta na po ako sa Magpakailanman,” sabi pa ni Jelai na nagbibiro na.
Maaalalang inakusahan ng cheating ni Jelai si Jon. Sinubaybayan sa social media ang #JoLai since 2015.
“We are so happy to have Jelai as our newest Beautéderm brand ambassador,” dagdag pa ni Ms. Rei.. “Very expansive ang reach ni Jelai sa social media at malaking tulong ito upang maikalat namin ang message na each one of us should take charge of our health if we are to live our life to thefullest. Very professional si Jelai and she takes so much pride in the work that she does and I admire her very muchfor that.”
Ang launch ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay in line sa ongoing 12th anniversary celebration ng Beautéderm na nagsimula noong Agosto 2021.
- Latest