Carmina, inamin ang mistress ni Zoren!

Carmina at Zoren
STAR/ File

Uy confirmed na may third party ang mag-asawang Zoren Legaspi and Carmina Villaroel. Ito ang inamin nila sa Stories From the Heart: The End Of Us media conference the other day. Pero hindi babae o lalaki. “’Yun ‘yung third party namin : bisikleta at motor,” chika ng actor.

Yup, aminado ang actor na mahilig siyang mag-motor, eh si Mina naman nerbyosa. “Hindi si Mina masaya kasi nerbyosa. Isang tingin sa ‘kin ‘pag naka motorcycle gear, I think it’s mental torture na ‘pag nagmo-motor ako,” dagdag ng actor na Korean star ang peg.

Pero tanggap na ni Carmina na mahal ng mister ang pagmo-motor kahit na nga delikado. “Wala akong kalaban-laban sa mistress. Mahal niya eh,” kuwento ni Mina.

Kaya ang ginagawa raw niya, nagdarasal na lang siya para maging safe ang pagmo-motor ng mister.

But anyway, sinabi ng aktres na kakaibang Zoren ang mapapanood sa End Of Us.

Banggit naman ng actor na reluctant siya sa umpisa na tanggapin ang project na ito. Pakiramdam kasi ni Zoren mag-aaway sila dahil may kanya-kanya silang style. “She’s an organic actress. Tawa ‘yan ng tawa pero kapag tinawag na para mag-take, ayan, umiiyak na agad. Ako i’m a technical actor, so magkaiba talaga ang styles namin and the kids, mas panig sila sa mama nila. But I got surprised kasi impressed na impressed sila sa acting ko rito, humahanga sila. Kasi with this project, I felt that I really need to push myself para di na nila ako pagtawanan and I want to set a good example doon sa kambal (Mavy & Cassy).”

Dinirek ito ni Zig Dulay para sa GMA-7’s Afternoon Prime starting December 20.

Show comments