John Lloyd, nangapa!

John Lloyd
STAR/ File

Magkikita sa Christmas ang mag-amang John Lloyd Cruz and Elias kaya magiging happy ang Pasko ng actor na humarap sa media conference kahapon para sa comeback show niyang Happy Together sa GMA 7. “Sa Pasko magkikita kami, makakadalaw ako sa kanila,” banggit ng aktor.

Samantala, handa na nga ang unang sitcom ng actor na matagal naging inactive sa showbiz. Ayon kay Direk Bobot Mortiz, overall in charge sa programa, sobra ang involvement ng actor rito.

Pero aminado si John Lloyd na nangapa siya pagbalik ng trabaho “Bagong opportunities nacha-challenge ako dun and siguro mas malaking challenge na nasa bagong (network)... kasi syempre nangangapa kami ng aming grupo, ng aming pamilya kaya napaka-swerte ko dahil yung assistance at paggabay at pagtulong sa amin ay talagang andyan. And yung opportunity na galing kila Ma’am Annettee (Gozon-Valdez).

“Araw-araw namin pinagpapasalamat  na nasa loob kami ng bubble, meron opportunity na makapag-trabaho and we can all forward on our current situation ng ating bansa, yung ating mundo no kaya punung-puno kami ng pasasalamat and in return gusto naman namin maibalik sa audience, sa viewers ng Kapuso network sa buong mundo yung favor na ibinibigay sa atin ng ating bosses dito sa Kapuso network,” sabi pa ng actor.

Miss World pinasok ng virus, ‘di natuloy

Ah talagang hindi pa rin dapat mag-chill sa coronavirus.

Andyan pa rin. Kahapon (Manila time), ilang oras na lang before the coronation ay hindi pa natuloy ang Miss World sa Puerto Rico dahil nahawa ng virus ang ibang contestant and staff - 17.

Ayon sa social media statement ng naturang beauty pageant “After meeting with the virologists and medical experts hired to oversee the Miss World 2021 event and discussing with the Puerto Rico Health Department, the decision has been made by the organizers of the event to postpone the globally broadcast finale at the Puerto Rico Coliseum Jose Miguel Agrelot to be held within the next 90 days.

“As of yesterday, additional safety measures were implemented in the best interest of the contestants, production team and spectators, understanding the event increased risks on the stage and in the dressing room. However, after additional positive cases were confirmed this morning after consulting with health officials and experts, the postponement decision was made.

“The next step according to the medical experts is immediate quarantine, pending observation and further testing according to best practices in situations like this.”

Si Tracy Maureen Perez ang panlaban ng bansa sa nasabing pageant na negative sa PCR test.

Suwerte ang Miss Universe sa Eilat, Israel na walang na-encounter na ganun.

Show comments