Beatrice, walang interes mag-artista

Beatrice
STAR/ File

Actually, puwedeng gumanap na sisters sina Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez and Nadine Lustre. At aware pala rito ni Beatrice nang tanungin siya ni Ms. Karen Davila kahapon sa Headstart kung saan guest ang bisexual beauty queen na kasalukuyang naka-mandatory quarantine pagkaga­ling ng Israel.

Nakabalik na nga siya sa bansa at sinabi rin ni Beatrice sa nasabing interview na wala sa plano niya ang mag-artista tulad ni Rabiya Mateo at iba pang beauty queen. Mas interested daw siya sa hosting.

Mga influencer na may ineendorsong mga kandidato, hihingan ng resibo

Aww, naka-monitor pala ngayon sa mga paid social media influencer ang COMELEC.

Sa interview ni Commission on Elections spokesperson James Jimenez, sinabi nitong kinakailangan nilang mag-submit ng contract at resibo sa COMELEC. “If you’re an influencer who is really pushing for a particular candidate, you will, of course, be required to submit your contract and your receipts,” sabi ni Mr. Jimenez sa interview ng onenews.ph.

Dagdag nito sa nasabing interview : “That will be for those that are obviously in a contractual relationship. Dun naman sa mga hindi sila obvious na may contractual relationship, mga taong hindi mo alam kung bayad o hindi, what the Comelec does is it really observes the behavior of these websites to see if there is a pattern of campaigning for a particular candidate,” paliwanag pa nito bagama’t binanggit niyang walang batas na nagbabawal pero mino-monitor umano nila base sa mga ginagawa ng mga ito.

Ang dami kasi ngayong celebrity na active sa kampanya para sa 2022 elections.

Show comments