Gretchen, pinakyaw ang laman ng supermarket
Nakaka-happy naman ‘yung mga posting ni Gretchen Barretto sa IG. Ang cute noong pictorial nila ni Dominique na si Gretchen ang hinahabol ng retouch ng make-up artist at hindi ‘yung anak, hah hah.
Para bang mas sobra ang excitement ni Gretchen kesa kay Dominique. At nakita mo na ‘yung malalaking tin box ng Delimondo, grabe ha. Parang buong factory ang binili ni Gretchen dahil merong mga Christmas ribbon.
Sabi nga ni Ana Abiera at Ms. Rusky Fernandez wala na raw katahimikan ang humihingi ng Gretchen love box na para bang naging symbol na ng Pasko dahil ito ngayon ang pinakagustong regalo matanggap ng marami.
At mukha namang very happy si Gretchen ngayong Kapaskuhan. Siguro nga dahil sa rami ng binigyan niya ng ligaya, doble happiness din ang naging kapalit nito sa kanya.
Happy safe Christmas, Gretchen.
Talagang lady Santa ka ngayon ng marami.
Marian, binantayan ang kilos
Naku talagang ayaw tigilan ng negatrons si Marian Rivera. Kahit na ano na lang pinapansin nila at para bang wala na silang ginawa kundi bantayan ang kilos nito. Grabe na ang kanilang mga walang sense na sinasabi about Marian Rivera.
Basta Marian is doing her job, doing her best, keber na sa negatrons. Nakakamatay ang inggit dahil nagiging bulag ka sa magandang bagay. Tanggap naman ni Marian Rivera na meron din siyang mga depekto pero hindi ito grabe para bumagsak siya.
Sabagay sino ba naman ang hindi maiinggit, maganda, may asawa na good provider, dalawang anak na parang dolls, tahimik na buhay, nakakainggit naman talaga. Kaya pathetic ang labas ng mga taong sobra pa rin kung pintasan si Marian. Wala nang makita pang ibang bagay, kaya kadalasan kahit hindi totoo ibinabato na sa kanya. Dahil naman dito, lalo pang nagiging blessed si Marian Rivera Dantes.
Well, may winner na nga, kaya uwian na. Huwag nang ipilit mga issues na hindi na pinapansin. Move on na.
- Latest