^

PSN Showbiz

James at buong pamilya, nakaligtas sa COVID!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
James at buong pamilya, nakaligtas sa COVID!
James at anak.

Matindi rin pala ang pinagdaanan ni James Blanco nitong COVID-19, kaya ito raw ang talagang kinatatakutan niya sa ngayon.

Ibinahagi ni James sa presscon ng pelikula nilang Huwag Kang Lalabas na entry ng Obra Cinema sa 2021 Metro Manila Film Festival, ang karanasan ng buong pamilya nitong nakaraang August lang na kung saan ang dami raw nila sa pamilya ang nagkasakit sa COVID. “Father ko, anak ko, ako, kapatid ko… siguro, siyam kami na nagka-COVID. So, doon ako nakaramdam ng takot, kasi, mag-isa ka lang sa room.

“Tapos, lalo na, ‘yung mga bata, wala pang vaccine. So, medyo dun ako kinabahan. Kasi, ‘yung father ko, muntik na siya, e, noong August… Sa awa ng Diyos, nalampasan naman namin lahat,” pag-alala ni James.

At mabuti na rin na nagkakasunud-sunod ang mga trabaho ni James. Regular siya sa Prima Donnas na kung saan ay natapos na nila ang lock-in taping.

May nagawa pa siyang mga pelikula at isa na nga rito ang Huwag Kang Lalabas na horror trilogy ng Obra Cinema na dinirek ni direk Adolf Alix, Jr.

Nasa Bahay episode si James na pinagbibidahan ni Joaquin Domagoso.

Ang iba pang episodes ay ang Kumbento, tampok naman sina Beauty Gonzalez, Elizabeth Oropesa at Matet de Leon.

Ang panghuling episode naman ay pinama­gatang Hotel na pinagbibidahan ni Kim Chiu kasama sina Jameson Blake, Tina Paner, Dona Cariaga at James Teng.

MJ, nakuha na ang humor ng EB

Masaya na ang sangkabaklaan sa na-achieve ng kandidata ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez sa katatapos na Miss Universe 2021.

Okay na ring nakasampa siya sa top 5 dahil talaga namang matitindi ang kalaban lalo na itong sina Miss India Harnaaz Kaur Sandhu na nahirang na Miss Universe at ang 1st runner-up na si Miss Paraguay Nadia Ferreira, pati ang 2nd runner-up na Miss South Africa na si Lalela Mswane.

Ang gagaling nilang lahat sumagot na surpri­singly, nakakasagot ng straight English ang mga Latinang kandidata lalo na ang sa Colombia at Puerto Rico.

Lagi na lang nagba-back to back ang Philippines at Colombia sa Miss Universe. Laging kalaban ng kandidata natin ang taga-Colombia, lalo na ang historical moment nung Miss Universe 2015 na napanalunan ni Pia Wurtzbach.

As usual, ang dami na namang memes na naglalabasan sa Twitter na kung saan pinaglalaruan nila ang laban ni Bea, pati na rin ang pag-judge ni Marian Rivera na katabi pa ang Bollywood actress at dating Miss India na si Urvashi Rautela.

Winner ang ganda ni Marian sa kanyang suot na blush pink off-shoulder gown na gawa ni Francis Libiran. Si Steven Doloso ang nag-make up sa kanya at si Vien Nueva ang nag-ayos ng buhok.

Samantala, kuwela rin ang mga tweets at comments ni MJ Lastimosa na nandun din sa Israel para saksihan ang 70th Miss Universe.    

Siya rin ang masipag na nag-a-update sa nagaganap doon sa kumpetisyon, pero kuwela ang tweet niya sa nagkumpara ng national costume na suot niya nung sumali siya sa Miss Universe, at ang Bakunawa-inspired costume ni Beatrice. Itinag nito ang link ng article tungkol sa national costume ni Beatrice na nag-represent ng mythology sa ating bansa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with