^

PSN Showbiz

Nang-iintriga kina Gerald at Gigi, hindi nagtagumpay!

Pilipino Star Ngayon
Nang-iintriga kina Gerald at Gigi, hindi nagtagumpay!
Gerald at Gigi.

MANILA, Philippines — Hindi nagtagumpay ang mga nang-iintriga kina Gerald Anderson and Gigi de Lana.

Nadiskubre na nga ata na walang basis ang mga nagsasabing meron silang source dahil wala naman talaga.

Nagpa-picture lang kasi naisyuhan na ang baguhang singer na leading lady ni Gerald sa Hello, Heart na mapapanood sa Global strea­ming service na iQiyi na may espesyal nang pagtitinginan sila ni Gerald.

Samantala, tagumpay ang maagang pamasko ang viral sensation at Pop Rock Diva (Gigi) sa YouTube subscribers ng kanyang libreng digital concert  na Gigi De Lana: Holiday Vibes para sa YouTube Music Night noong nakaraang Sabado.

Nakasama ni Gigi ang banda niyang The Gigi Vibes. Eksklusibo itong napanood sa YouTube channels ng ABS-CBN Star Music, MOR, MYX, at One Music.

Tulad sa inaasahan ng viewers, napanood nila ang tagos sa pusong performances niya ng Christmas classics at ABS-CBN Christmas ID theme songs, OPM hits, ang debut single niyang Sakalam, at isang Moira dela Torre medley. Inabangan din ang espesyal na duet nila ng special guest at Kapamilya singer na si Jason Dy.

Ito ang ikatlong digital concert ng YouTube Music Night sa Southeast Asia kasunod ng Love, Jona ni Jona at Hearts On Fire: Juris and Jed nina Juris at Jed Madela noong Pebrero sa pangunguna ng YouTube Philippines at produksyon ng ABS-CBN Events.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with