Mag-asawang Perci at direk Jun Lana naghiwalay na; Sheryn masaya sa same sex relationship

Sheryn at Mel.

Aww. Kung kailan almost Christmas, saka naman inamin ni Direk Jun Lana na hiwalay na sila ng partner niyang si Direk Perci Intalan.

Sa kanyang Twitter account ay kinumpirma ni Direk Jun ang kanilang separation. “Hi guys. Perci and I have decided to part ways amicably. We wish each other well and will continue to be active co-parents for our children & business partners for our company.

“We request for privacy as we navigate this transition.Thank you all for your understanding & support.”

Ikinasal ang dating TV5 entertainment head at director / screenwriter noong 2013 (Oct. 14) sa Central Park, sa New York.

Opposite naman nito ang lagay ng puso ng singer na si Sheryn Regis.

Recently lang ay inilantad nito ang relasyon sa same sex YouTuber and entrepreneur na si Mel de Guia.

Pareho silang nag-post ng sweet photos na alam mong confirmation ng kanilang relasyon.

At ang isang happy sa pag-out sa kanilang relasyon, si Ice Seguerra.

“So happy for you!,” comment ni Ice na by the way ay two days ago lang nag-celebrate ng 7th wedding anniversary nila ng misis niyang si FDCP (Film Development Council of the Philippines Chairperson) Liza Diño.

At siyempre member ng LGBTQI ang pambato nating sa Miss Universe 2021 na si Beatrice Luigi Gomez.

Albert, bumata kay Faith

Ang laki nang ibinata ng hitsura ni Albert Martinez sa mga teaser ng teleseryeng Las Hermanas.

Actually, hindi mo aakalaing senior citizen na siya.

Malaki kaya ang nagawa sa kanyang nahanap na parang fountain of youth sa diumano’y relasyon nila ni Faith da Silva?

Andun pa rin ang appeal niya at parang hindi mo sasabihing kung meron nga silang something na May-December affair sila.

Anyway, grabehan ang mga eksena ng Las Hermanas ha, intense maging ang eksena nina Albert and Faith.

Las Hermanas also stars Yasmien Kurdi and Thea Tolentino.

Napapanood ito sa GMA Telebabad after Eat Bulaga.

Show comments