Naduwag daw itong si hunky actor sa mga artistang makakasama niya sa isang movie project kaya bigla siyang nag-back out at may iba na raw itong tinanggap.
Kawawa rin dahil hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang insecurities sa kanya pagkatapos lait-laitin ang pag-arte niya.
Kaya nang malamang pawang magagaling at talaga namang award-winning ang co-actors niya, kabado na raw si aktor at hindi na siya komportableng gawin ang malaking movie project na ito.
First time sana siyang hahawakan ng magaling ding direktor na sangkatutak na rin ang awards, hindi lang dito kundi pati sa ibang bansa.
Pero hindi na siya tumuloy sa project na ito, kaya naantala ang shooting na naka-schedule na sana ngayong linggo.
Blessing in disguise rin dahil sinubukan lang ng direktor na ipabasa sa kaibigang aktor na mas sikat at magaling na ‘di hamak kay hunky actor. Nagustuhan ni aktor ang script at ang role sa project na ito kaya kinausap niya si direk kung makakahintay ba sila.
Willing siyang gawin, pero tapusin muna niya ang isa pa niyang ginagawa na kung saan naka-lock in pa siya ng halos dalawang buwan.
Kaya natuwa si direk pati ang co-actors dahil mas gusto naman nila itong ipapalit na actor.
Ipina-move na lang nila ang schedule ng lock-in shooting para hintayin na ang availability ng ipinalit na aktor. Pero mas lalong lumaki ang pelikula dahil sa big stars na involved dito.
Abangan na lang natin ‘yan.
Jake at Jolo, ayaw pa sa pulitika
Sa pamilya ng mga Estrada o Ejercito, sina Jake Ejercito at Jolo Estrada na ang seryoso ngayon sa pag-aartista.
Mas pinili nilang mag-showbiz, kesa gamitin ang kanilang natapos na kurso o mag-focus sa negosyo o kaya ay pasukin ang pulitika.
Napapansin na si Jake, dahil nadi-develop na ang pag-arte niya sa Marry Me, Marry You.
Si Jolo naman ay kinuha ng Regal Films sa pelikulang Seasons ni Lovi Poe at na-impress sa kanya roon si Roselle Monteverde. Kaya nga tinanong namin ang manager ni Jolo na si Leo Dominguez bakit hindi na nila papirmahin bilang Regal Baby si Jolo.
Hindi pa naman daw nila ito pinag-uusapan ni Roselle sabi ni Leo, pero natutuwa sila dahil pagkatapos ng pelikulang ito, kinuha uli siya ni Roselle para sa Regal Studio Presents sa GMA 7 na mapapanood sa Linggo na pinamagatang Ethan’s Return.
Kasama ni Jolo rito sina Joaquin Domagoso at Thea Tolentino. Excited si Jolo rito dahil gustung-gusto niya ang role bilang si Clark at mababait daw ang mga kasama niya rito, dagdagan pang second time na itong idinirek siya ni direk Easy Ferrer.
Nag-uusap nga raw sila minsan ng tiyuhin niyang si Jake na na-enjoy na rin ang pag-arte at ang ginagawa niya sa showbiz. Pero nakaka-pressure rin daw dahil hindi maiwasang maikukumpara sila sa kanilang ama. “Oo napi-pressure kami of course, hindi naman nawala ‘yun, pero okay naman po so far.
“Actually, magaling siya (Jake) sa Marry Me, Marry You kaya nakakatuwa,” saad ni Jolo sa nakaraang virtual mediacon nito nung nakaraang Martes.
Bata pa naman si Jolo, kaya maaaring papasukin na rin niya ang pulitika. Pero matagal pa raw ‘yun kung sakali. Marami pa raw siyang pag-aaralan sa showbiz lalo na sa pag-arte. Gusto rin daw sana niyang subukan ang hosting, kagaya ng ginagawa dati ni Jake sa Sunday Noontime Live.
Bibigyan din ni Jolo ng sapat na panahon para tulungan sa pangangampanya ang kanyang ama, ang dating Sen. Jinggoy Estrada.
Okay nga raw ngayon dahil si Sen. Jinggoy lang daw ang tumatakbo sa kanila kaya nasa kanya lang ang suporta ng buong pamilya. “Mas madali na ngayon kasi full support kami sa kanya, Lahat ng energy namin nasa kanya,” sabi pa ni Jolo.