Mga kandidato sa halalan 2022, sinimulan nang kilatisin sa Teleradyo

Alvin Elchico at Doris Bigornia.

Nagsimula na ang masusing pagkilatis ng mga botante sa mga nais maging senador, pangalawang pangulo, at pangulo ng bansa sa TeleRadyo, sa pangunguna ng mga batikang mamamahayag na sina Alvin Elchico, Doris Bigornia, Tony Velasquez, at Danny Buenafe.

Sina Alvin at Doris ang susubok sa mga nangangarap maging senador sa Sino SENyo? The Senatorial Candidates’ Interview na mapapanood tuwing Martes at Huwebes sa programa nilang SRO: Suhestiyon, Reaksyon at Opinyon pagkatapos ng TV Patrol.

Ang tambalan naman nina Tony V at Danny B ang haharap sa mga lalaban para sa pinakamatataas na pwesto sa gobyerno sa Ikaw ang On The Spot: The Presidential Candidate’s Interview at Ikaw ang On The Spot: The Vice Presidential Candidate’s Interview.

Meron din silang On The Spot na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng 9 a.m. sa TeleRadyo.

Layunin umano ng mga programang ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na maihayag ang kanilang mga plataporma at adbokasiya, at sagutin ang mga isyung ibinabato sa kanila.

Higit sa lahat, nais din umano ng TeleRadyo na matulungan ang mga botante na makapili ng karapat-dapat na makatanggap ng kanilang boto, at maiparating din sa mga tatakbo ang mga saloobin at hinaing ng publiko.

Nauna nang naglunsad ang TeleRadyo ng voters’ education special na Halalan 101 sa programang Omaga Diaz Reports ni Henry Omaga-Diaz noong Oktubre upang ipaliwanag ang kasaysayan, proseso, at mga isyung nauugnay sa halalan sa mga Pilipino.

Siyempre iba talaga kung makikilala mo ang mga kandidato.

Mahirap magkamali sa pagboto sa May 2022.

Remember na laging nasa huli ang pagsisisi at kung magiging gullible tayo, hindi na puwedeng i-undo ang boto.

Show comments