Ate Vi, naniniwala pa rin sa milagro!

Vilma Santos.

Sa susunod na Miyerkules, December 8, gugunitain, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ang pista ng Immaculate Conception ng Birheng Maria.

Ang kaibahan nga lang sa Pilipinas, hindi lang iyan holy day of obligation ng simbahan, iyan din ay naging public holiday sa pamamagitan ng isang deklarasyon ni Presidente Duterte.

At ikinatutuwa ni Congresswoman Vilma Santos ang pagdiriwang ng kapistahan ng Birheng Maria sa kanilang buong lalawigan ng Batangas. “Alam mo bang may nabasa ako na iyong Nuestra Senora de Caysasay na patrona ng Taal ay isa palang image ng Immaculate Conception?

“At dito sa amin sa Batangas, malakas ang debosyon sa Mahal na Birhen. Ito ngang Mediatrix na hindi pa officially tinatanggap ng simbahan, hindi nila mapigil ang debosyon ng mga tao, at maski sa abroad may ilang images ang Mediatrix sa mga simbahan na kung tawagin nila Nuestra Senora de Lipa,” pagkukuwento niya.

Pagpapatuloy niya pa : “Huwag nating sabihing milagro. Noong panahong governor ako dito sa Batangas, nagkaroon ng fish kill sa Taal Lake. Sabi ng BFAR, dahil daw sa pollution at bumababa ang oxygen content ng tubig sa lake, ang dahilan niyan ay ang mga illegal fishpen na napakarami. Ginagawa namin ang lahat pero walang mangyari.

“Naisipan namin, kasama noon si Archbishop Ramon Arguelles, na kaibigan ni mama, magkaroon ng fluvial procession ng Mahal na Birhen sa paligid ng Taal lake. Ginagawa namin iyon ng September 8, birthday ng Birhen. Alam mo bang dahil sa ginawa naming iyon kinalas nila mismo ang mga illegal fishpens, nawala ang fish kill,” sabi pa niya.

At ang ipinagdarasal daw nila ngayon, ‘wag matuloy ang matinding pagsabog uli ng Taal volcano.

“Nang itigil iyong fluvial procession sa Taal Lake, pumutok ang Taal noong nakaraang taon. Hindi ko sinasabing milagro ha, pero nangyayari eh.

“Natutuwa nga ako at sa amin sa Lipa, nagpapatuloy pa rin ang debosyon sa Birhen, lalo na doon sa Lipa Carmel, at maraming mga tao sa Lipa ang naniniwala sa pangangalaga sa kanila ng Birhen. At isa ako sa naniniwala riyan,” pagkukuwento pa ni Ate Vi.

Dahil din sa debosyon sa Birhen, na sinasabi nga niyang “namana naming lahat kay Mama”, dumarating ang pagpapala sa kanilang pamilya simula noong bata pa siya.

Mga sinehan, namimili ng mga ipalalabas

Hindi naman sa inaapi ang pelikulang Pilipino, pero habang napakahigpit pa nga ng ipinatutupad na safety protocols sa mga sinehan, at wala pang masyadong taong nanonood ng sine, siguro dahil natatakot pa, o kaya naman walang pera dahil nawalan ng trabaho, hindi mo maiaalis sa mga sinehan na mamili ng mga pelikulang tiyak na panonoorin ng mga tao. Iyan ang dahilan kung bakit binibigyang daan muna nila ang malalaking foreign films.

Isa pa, ano ang mangyayari kung ang ipapalabas nila ay maliliit na indie, na hindi kilala ang mga artista, at kahit na noong wala pang pandemya ay hindi naman talaga pinanonood ng mga tao?

Nagsabi naman ang mga sinehan na naka­handa silang umayuda sa pelikulang Pilipino. Pero natural kailangang siguruhin naman ng industriya na commercially viable ang kanilang pelikula para hindi sila pareho malugi.

Unawain naman natin ang mga sinehan. Sila man ay napakalaki ng operating cost, at maraming manggagawang Pilipino na umaasa rin sa kanila.

Aktor na pinasisikat ng isang network, nakipag-live in na sa bading

“Noong nakaraang Pasko, tatlong linggong nagbakasyon sa bahay nila ang kanyang gay benefactor,” tsismis sa amin ng isang kapwa movie

writer na ang bahay ay malapit lamang sa bahay ng male star, na pinipilit pasikatin ngayon ng isang network.

At bago pa pala siya nagkaroon ng gay benefactor, marami na rin siyang naging “kaibigang” mga bading.

“Ngayon nga wala na ang gay benefactor niya kasi ipinagpalit niya sa isang big gay businessman na nakatulong na magbigay sa kanya ng mga break, bukod sa sustento siyempre,” sabi pa ng source.

 

Show comments