^

PSN Showbiz

Luis gustong itapat sina Edu at Cherry Pie sa KathNiel

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Luis gustong itapat sina Edu at Cherry Pie sa KathNiel
Luis
STAR/ File

Nagulat pala si Luis Manzano sa relasyon ng daddy Luis Manzano at Cherry Pie Picache. Sa interview sa kanya ni G3 San Diego, aliwa ang reaction niya. “Kung maibabalik ang prangkisa ng ABS-CBN next year, baka si Daddy at Tita Pie, itapat sa KathNiel,” aniya.

“Sobrang we were caught off guard. No one saw it coming. I don’t even think Dad and Tita Pie saw it coming,” dagdag niya sa nasabing interview.

“I think a friend of mine took a picture with them and he sent me a picture. He was with Daddy and Tita Pie. Date night yata sila. So I sent the picture back to Daddy. I said, ‘Uy daddy, happy boy ka.’ Sagot daw :‘Yes anak, happy.”

One night ni Adele, mapapanood sa MYX

Ipapalabas ng MYX ang television special ng isa sa pinakamatagumpay na artists sa buong mundo, ang Adele: One Night Only ngayong Sabado (December 4), 10 pm.

Ang musical extravaganza na Adele: One Night Only ang pinakahihintay na pagbabalik ng English singer-songwriter tampok ang bigating performances niya ng mga sumikat na awitin pati na rin ang mga bago niyang kanta mula sa bagong labas na 30 album. Kasama rin si Oprah Winfrey sa two-hour special bilang host ng Q&A portion.

Tuloy-tuloy ang saya sa kumu show ng MYX na Let’s Stan na nagbabalik para sa Season 2 ngayong Martes (December 7), 7:00 pm kasama ang host na si VJ Ai Dela Cruz na inaanyayahan ang fans ni Adele, ang mga Daydreamers, para pag-usapan ang natatanging musika ng superstar.

May dagdag saya sa MYX music channel ngayong buwan ang 11:59 singer na si KZ Tandingan na tampok bilang MYX Headliner. Makakasama naman sa MYX Spotlight sina Jensen Gomez at Jon Guelas.

Hatid din ng MYX ang bagong show nitong Island Block Party na magpapalabas ng interviews, performances, at music videos kasama ang mga patok na island, pop, reggae, at R&B artists.

Mapapanood din ang Japanese survival show na Who Is Princess? sa MYX. Tampok dito ang 15 teenage girls na sasailalim sa training hanggang sa may matira na limang membryo na bubuo sa next big K-Pop group.

Abangan ang Adele: One Night Only ngayong Sabado (Dec. 4), 10 pm o ang replay nito sa Dec. 26 (Linggo), 8 pm.

of Edsa Shangri-La Hotel.

vuukle comment

CHERRY PIE PICACHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with