^

PSN Showbiz

KTLA news anchor Cher Calvin, binulaga ng BTS

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
KTLA news anchor Cher Calvin, binulaga ng BTS
BTS
STAR/ File

Nawindang ang news presenter for KTLA television sa Los Angeles nang tumigil sa stoplight ang kanyang sasakyan sa LA.

Biglang bumulaga sa harap ng kotse ni Cher Calvin ang global superstars na BTS at nag-perform ng hit song nitong Butter.

Pinost ni Cher sa kanyang Instagram ang video ng performance ng BTS at sabay tili ng, “I couldn’t believe this! I couldn’t believe this!”

Ipinalabas din sa Balitanghali kahapon ang video ng encounter ni Cher at ng BTS!

Anak si Cher ng dating actor na si Roger Calvin.

Kapamilya director, lumundag na rin sa Kapuso!

Bahagi na ng pool of directors ng GMA Network  ang Kapamilya director na si Jerry Sineneng.

Pumirma ng kontrata sa Kapuso kamakailan si Sineneng.

Feel na feel kay direk Jerry ang excitement sa bagong mundo dahil bagong katrabaho ng makakasama niya.

Nagmarka ang pangalan ng director sa ginawa niyang projects sa Channel 2 gaya ng Soltera, La Luna Sangre, Walang Hanggan at iba pa.

KTLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with