Dimples, hindi pa puwedeng tumigil sa pag-aartista

Dimples
STAR/ File

Dalawampu’t limang taon nang aktibo si Dimples Romana sa show business kaya minsan ay sumasagi na sa isipan na tumigil na sa pag-aartista. “Sa totoo lang gusto ko talaga sabihin na I want to step out of it pero parang totoo yata ‘yung mga sinasabi ng mga iniidolo kong mga artista, na ‘pag minsan ka ng naging artista, hahanap-hanapin mo talaga. In reality when you are working in a production, whether it is film or commercials or TV, you really feel a certain deeper meaning to what we do and dati kasi it’s so much easier. You just go home after. It’s not as unsafe as it it right now. Kumbaga now, when you say life and death, totoo talaga na life and death ‘di ba? Pero ako parang siguro with everything that’s been going on with my family and investments na somehow naipundar dahil din sa trabaho na ito, parang ‘yung pasasalamat ko na lang to just show up at work and be the artista that I grew up to be,” paliwanag ni Dimples.

Tatlumpu’t pitong taong gulang na ngayon ang aktres at aminadong napamahal na talaga ang industriyang kanyang kinalakihan at nakasanayan. “Kasi 12 years old pa lang ako nag-aartista na ako. So ang puso ko talaga ay nasa pag-arte,” giit niya.

Kahit mayroon ng ilang negosyo ay kailangan pa rin umanong ituloy ng aktres ang pagiging artista para sa edukasyon ng dalawang anak.

Maglalabing-walong taong gulang na ang panganay ng aktres at asawang si Boyet Ahmee na si Callie habang anim na taong gulang pa lamang ang kanilang bunsong si Alonzo. “Nagka-college na si Callie, nasa Australia. Baka mahimatay ako ‘pag hindi ako nagtrabaho. Hindi ko yata kaya, ‘Sabi ko, ‘Ah mag-ready muna tayo.’ Siguro ‘pag nag-college na si Alonzo, so matagal-tagal pa ‘di ba?” pagtatapos ng aktres.

Maymay, dibdiban ang paghahanda sa concert

Puspusan na ang ginawang paghahanda ni Maymay Entrata para sa kanyang MPowered concert na gaganapin bukas. Sobrang excited ng dalaga dahil ito rin ang kauna-unahang digital concert. “Araw-araw po kaming nagre-rehearse, band rehearsal at saka sa pagsayaw. Todo-todo ang rehearsal namin, todo-todo ‘yung voice lesson ko, ‘yung dance lesson ko. Excited na ako sa mga makakasama ko na very empowered din po na mga performer,” pagbabahagi ni Maymay.

Magiging panauhin ni Maymay sa naturang concert sina Darren Espanto, AC Bonifacio, Mimiyuuuh at Nyoy Volante. Mapapanood ang show sa pamamagitan ng KTX. Ph sa Nov. 26 at magkakaroon ito ng rerun sa Nov. 27.

Kamakailan ay nailunsad na ang kantang Amakabogera ni Maymay. Maglilimang milyon na ang views ng music video nito sa YouTube sa loob ng isang buwan. Mag-aanim na milyon naman ang views ng guesting ni Maymay sa Wish 107.5 bus sa loob pa lamang ng dalawang linggo.

(Reports from JCC)

Show comments