Jolens at Mark, naka-10 years na
Naka-10 years na rin palang kasal sina Jolina at Mark Escueta. Pero sadly, marami sana silang mga plano pero dahil sa pandemic pa rin, hanggang bahay muna sila.
“Dami namin plano para sa aming 10th anniversary pero di natuloy kasi sa pandemic. At nagkataon din na quarantine na ako dahil nextweek taping na kami ng magandang buhay. Pero nag effort si Mark para surprise ako dito sa bahay. Pati yung flowers natuwa ako kasi favorite ko yan, at yan din yung bouquet ko nung kinasal kami. Nagpagawa sya kay Teddy Manuel (sya din yung gumawa nung wedding namin.. Thank you momsh Teddy!). Kunyari kinasal kami ulit. Mamaya after dinner, mag slow dance kami ni Mark, pati Pele and Vika mag dance din,” buong post ni Jolens.
- Latest