Mga gamit ni Marian sa pictorial sa bahay, sobrang sosyal!

Marian Rivera

Followers tulo-laway...

Ang sosyal ng furnitures and accessories na ginagamit ni Marian Rivera sa mga pictorial sa social media accounts niya. Fornasetti.

Meron siya nitong mga chest of drawer, bookends, vases, decorative trays, tea and coffee sets, appetizer sets and centrepieces, design ashtrays, small containers, among others, kaya naman tulo-laway ang iba niyang followers.

Iilan lang sa bansa ang may ganitong mga koleksyon ng kagamitan sa bahay dahil hindi mura. As in isang plato lang ‘to ha, P14K na, na gina­gamit nga ni Yanyan sa pictorial ng mga endorsement niya.

At nabibili lang sa bansa ang Fornasetti, sa Opulence Design Concept, na kahapon nga ay pinuntahan niya ang Christmas tree lighting with Dr. Vicki Belo.

Aniya sa kanyang Instagram post : “At the @opulence_design_concept Christmas Tree lighting event  Opulence will donate noche buena christmas gift packs and toys to abandoned and abused children for every tree they light thru grateful thursday. Thank you for inviting me to be a part of this meaningful event?.”

Ang Fornasetti rin ang favorite ni Jinkee Pacquiao as in ‘pag nakita mo ang mga Instagram post niya sa bahay nila, ang daming mga item ng nasabing luxury brand.

Anyway, going back to Marian, maging sa mga alahas na sinusuot niya lately ay mga international celebrities lang din ang meron.

Meron siyang earrings na pareho sila ng Korean superstar na si Song Hye-Kyo na ayon kay Marian ay pinag-iipunan niya naman para mabili.

Show comments